Labing-dalawa

4 0 0
                                    

Nagising ako sa mahihinang halik sa pisngi ko, idinilat ko ang mga mata at nakita ko ang nakangiting mukha ni Kael na nakadungaw saakin.

"Hi, how are you feeling?" banayad nyang sabi habang hinahaplos ang buhok ko. Ngumiti naman ako at marahang umupo. Nalaglag ang kumot na tumatakip sa kahubadan ko, napatingin ako sakanya ng marahan syang magmura. Tumayo sya at bumaba sa kama.

"Mag-ayos ka na, ire-ready ko lang ang dinner" sabi nya at labas ng kwarto suot ang puting tshirt at boxer. Iginala ko ang mga mata ko upang hanapin ang mga damit na hinubad. Nagkalat silang lahat sa ibaba ng kama, kukunin ko na sana ng biglang pumasok muli si Kael.

"Nasa bathroom na yung damit ko, ayun nalang ang suotin mo" sabi nya at umalis muli. Pinulot ko narin ang mga damit at inilagay sa isang tabi at pumasok sa bathroom. Pagkatapos maligo at pumunta ako sa salamin upang magsuklay. Napanganga ako nang makita ang maliliit na pulang marka na pumuno sa magkabilang dibdib ko, meron din sa leeg, tiyan at sa kasingit-singitan ko. Lintek na Kael yan. Tinapos ko ang pagsusuklay at nag suot na ng damit. Nagmistulang daster ang ang tshirt nya saakin dahil sa sobrang laki, marahan kong isinuot ang boxer, nagiingat na hindi masyadong magalaw ang nananakit at mamaga magang perlas ng silanganan.

Dumerecho na ako sa kusina at nakita ko si Kael na nakaupo na sa hapag, isinenyas nya na maupo ako sa tabi nya. Kumakain na kami, gusto ko sanang buksan ang topic tungkol sa set up namin o sa kung ano ang meron kami. Sumulyap ako sakanya at nakitang ngingiti-ngiti sya.

"Anong nginingiti-ngiti mo?" kunot noo kong tanong. Umiling lang sya bilang sagot kaya tinadyakan ko sya mula sa ilalim ng mesa.

Humalakhak naman sya bago ako inginuso. Napatingin ako sa tinuturo nya at mas namula ako dahil sa kahihiyan. Kitang-kita kase ang mga bakas na marka na iniwan nya. Walanyang Kael.

"Oh ano, proud na proud ka dyan?" pagsusungit ko upang pagtakpan ang kahihiyan.

"Yeah, I'm so proud myself that I made that, I did that beautiful artwork to you delicate body" sabi nyang ngingisi ngisi. Muli ko syang tinadyakan at nagsimula ng mag focus sa pagkain. Nang matapos ay nagprisinta na sya ang magliligpit ng kinainan kaya hinayaan ko na. Naupo ako sa sala at nanood ng TV.

Tapos ng maghugas si Kael at nakita ko syang umakyat sa itaas upang magbihis. Nakita ko na umilaw at sunod-sunod ang pagvibrate ng  naiwan nyang cellphone sa mini table sa sala kaya kinuha ko. Nakita ko na tumatawag ang nagngangalang Cloud, namatay ang tawag at tumigil na sa pag ring ang cellphone. Bumaba si Kael suot ang gray shirt at jersey short, umupo sya sa tabi ko at isiniksik ang mukha sa leeg ko, masyado akong nadala kaya nakalimutan ko nang sabihin sakanya na may tumawag kanina.

Nanonood kami ng biglang nag vibrate ang phone nya, napatingin sya roon at nagmamadaling sinagot ang tawag. Tumayo sya at lumayo saakin, maya maya ay naghahadali na sya sa pag kuha ng susi ng kotse nya. Nataranta ako kaya sumunod ako sakanya.

"Kael, san ka pupunta?" tanong ko habang hinahabol syang lumalabas. Sumulyap sya saakin, puno ng pananabik at tuwa ang mga mata nya.

"May importante lang akong pupuntahan sa Metro, isarado mo nalang pinto pag alis mo" sabi nya. Hinila ko ang kamay nya at pinigilan sa pagtakbo sa sasakyan nya.

"Kael, bat ka aalis. Paano ako? Hindi pa natin napag-uusapan yung tayo" nakakunot noo syang napatitig saakin.

"Anong tungkol satin?" nagtatakha nyang tanong. Napaawang naman ang labi ko dahil sa gulat.

"May nangyari saatin Kael, ilang beses. Tapos sinabi kong mahal kita---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"May nangyari saatin at parehas nating ginusto iyon, anong problema don? At hindi naman kita inutusan na mahalin ako, kaya hindi ko responsibilidad na suklian ang pagmamahal na binibigay mo" simpleng sabi nya nun, marahan na para bang ipinapaintindi saakin ang lahat. Laglag panga at naluluha akong nakatitig sakanya. Nagsimula syang tumalikod at humabol naman ako.

"Kael" tawag ko sakanya hanggang sa makarating sya ng sasakyan nya. Paulit-ulit ko syang pinipigilang pumasok sa loob ng sasakyan kasi sigurado ako, na sa oras na pumasok sya ay mawawala na sya ng tuluyan saakin.

Pero wala syang awa, hindi nya ako tinatapunan ng sulyap man lang.

I watched him unlock the car before stepping in. The engine roared into life. As soon as the door clicked close, all my hopes completely sunk. Pinaharurot nya ang sasakyan at hanggang sa unti-unti ng lumiliit ang sasakyat sa aking pananaw. Mula sa nanlalabong mga mata at nanghihinang tuhod, napaluhod ako, humagulgol. Ang ingay na dala ng iyak ko ay nagecho sa tahimik na gabi. Iniwan nya na ako, iniwan nya akong mag-isa sa gitna ng malawak na dilim.

Tumingin ako sa langit, nagtatampo. It was as if, HE let me have the taste of heaven before I was thrown into the hell of missery.

Tumingin ako sa daan na tingungo ni Kael. Naiinis ako sa kanya at lalo na sa sarili ko, because I let myself to be drowned for a few second of his sweetness but at the end, he left me nothing but be filled with bitterness.....

~•~

"Kael, nasaan ka? Pumunta ka sa bahay nila Angelique, bumalik na sila ni Tita galing sa States noong nakaraan pa, kaya bigla silang nawala sa tinitirahan nila ni Tita. Nasabi saakin ni Kuya Sky na dinala nila si Angelique sa beach resort habang inaayos ang mansyon. Pauwi na siguro sila ngayon!" paulit-ulit kong naalala ang sinabi ni Cloud saakin kanina. Masaya ako, masayang masaya dahil sa matapos ang lahat. Makakasama ko narin ang babaeng mahal ko.

Madilim na ang gabi, mabilis lang ang byahe dahil hindi naman na traffic at kaonti nalang ang sasakyang dumadaan. Pumasok ako sa village kung nasaan ang mansyon ng mga Madrigal, tahimik at wala ng katao tao sa daan. Inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng bahay nila at paulit-ulit na nagbusina

Makailang beses pa akong nagbusina bago bumukas ang malaking gate ng mansyon. Pinapasok ako ang guard, mabilis kong pinarada ang sasakyan at lumabas. Tinungo ko ang pinto, bukas ito kaya naman pumasok na ako kaagad. Sa malaki at engradeng sala ng mga Madrigal ay nakita ko ang mga pamilyar na mukha, lumapit saakin kaagad si Cloud at tinapik ako sa balikat. Tinanguan ko sya ng hindi inaalis ang mga mata ko kay Angelique, nakatitig din sya saakin at bumukal ang mga luha sa aming mga mata. Tumayo sya at lumapit saakin, sinalubing ko sya ng mahigpit na yakap. Nakita ko si Tita Georgina na nagpupunas ng luha habang inaalo ng kanyang esposo na si Tito Fred. Mahigpik kong niyakap si Angelique at hinalik-halikan ang kanyang ulo. Kumalas sya sa pagkakayakap saakin.

"I'm sorry, Kael. Sorry kasi pinili kong iwan ka para buuin ang sarili ko, patawarin mo ako dahil hindi ko naisip na habang binubuo ko ang sarili ko ay naiwan kita ditong mag-isa, malungkot at walang karamay sa pagluluksa sa....sa.." hindi nya matapos tapos ang sinasabi nya. Hinagod ko naman ang likod nya upang patahanin sya.

"Shhhh, shhh. Ayos na. Ang mahalaga ay bumalik ka, nag hintay ako ng matagal but it is all worth it, the sorrow, the pain, and for everything. Waiting you for so long is now paid off. Mahal na mahal kita, patawarin mo ako" sabi ko habang naiiyak narin. Hinila nya ako palayo sa lahat at dinala sa kwarto nya, pinaupo nya ako sa kama at may kinuha sya. Kinuha nya ang isang marmol na lalagyan. Inabot nya ito saakin, mas lalong tumulo ang luha ko ng mahawakan ang malamig na lalagyan.

"My Angel, my baby..." sabi ko sabay yakap sa labi ng anak namin. Maingat kong niyakap, takot na baka mabasag. Umupo si Angelique sa tabi ko at sinabayan ako sa pag-iyak.

Ngayon, masasabi ko na kumpleto na muli ako. Kasama ko na muli si Angelique, at ang anghel namin. At nangako kami sa isat-isa na wala ng bibitaw, na sabay na naming haharapin ang bawat problema ng magkasama.

Impetuous PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon