Labing-tatlo

7 0 0
                                    

Nakahiga kami ni Angelique sa kama nya, nakaunan sya sa braso ko habang marahang hinahaplos ang buhok nya.

"Noong nasa U.S kami, I had undergone different treatment and medication. Being depressed made me feel worthless, helpless and everything. Sinisisi kita sa pagkawala ng anak natin, hindi ko kaya na nakikita kita kasi tuwing andyan ka, naaalala ko yung nangyari sa baby natin, na wala kang nagawa para iligtas ako, at si baby. But along with the theraphy and medication, I overcome it, I learned to control my anger and emotions. How about you, how have you been?" sabi nya sabay tingala saakin.

"Living without is nothing but a hell. I always hear your voice everywhere, I always wish that you were with me, telling me how much you love me, to feel your embrace again. I almost lost the will to live my life, I almost give up, but you see. My parents help me, my self help me too. It was as if, my self is telling me that I need to be strong, to live again because even though I'm not voicing it out, my heart knows na babalik ka, matagal pero babalik ka. Kaya nag hintay ako, kahit na sinasabi ng iba na kalimutan ko na kayo ng anak natin. Hindi ko ginawa kasi patuloy akong naghintay" sabi ko sakanya.

"Wala....ka namang ibang minahal noong malayo ako diba?" sabi nya sabay malungkot na tumingin saakin.

"Wala, ikaw lang ang mahal ko. At kahit kailan, kahit wala ka man. Ikaw lang ang kailangan at mamahalin ko" sabi ko, napapikit ako ng sumagi sa alaala ko si Tia, agad ko itong winaksi at hinalikan ang buhok ni Angelique.

"But you know....you have needs, and I'm not there to fullfill those. Maiintindihan ko naman kung...k-kung.." nanginig ang boses nya at hindi matapos tapos ang nais sabihin.

"H'wag mo nang isipin ang nakaraan, ang mahalaga magkasama na ulit tayo. Hindi ka na aalis sa tabi ko" niyakap ko sya nang mahigpit.

"Pero kahit na m-may pumuno ng pangangailangan mo. Ako parin naman diba, Diba?" nakatingala sya saakin, umaagos ang luha sa kanyang maamong muka. Pain and anticipation is writen all over her face.

"Oo, ikaw lang. Noon at ngayon. Ikaw lang" sabi ko at hinalikan siya sa kanyang labi. Tumugon naman siya, nagpalitan kami ng mainit at sabik na halikan. Pumaibabaw ako sakanya at binawi ang pangungulilang naramdaman namin sa mahabang panahon.

~•~


Kanina pa kumakatok si Madeth sa pinto ng CR namin.

"Huy, Tia. Ano na, buksan mo na 'tong pinto" sabi nya. Hindi ko sya pinapansin at nakatulala lang ako sa loob ng banyo.

Bakit kailangan pang mangyari to?

Hindi pa ba sapat na iniwan nya ako....

Kailangan bang mag iwan pa sya ng remembrance na magpapaalala sa katangahan ko?

Muling tumulo ang luha ko nang ibalik ko ang aking tingin sa stick na hawak ko. Dalawang pulang guhit, itong dalawang guhit na ito ang magbabago ng kapalaran ko.

Pinunasan ko ang mukha ko at binuksan ang pinto. Nakatayo si Madeth sa gilid, napatayo sya ng tuwid nang nakita akong lumabas ng banyo.

"Oh, anong resulta?" yun palang ang tanong nya at muli na namang namuo ang luha sa aking mga mata.

Inabot ko sakanya ang pregnancy test, nanlaki ang mga mata nyang nakatitig doon.

"Buntis ka...." umiiyak na tumango ako, lumakad ako at umupo sa isang silya sa maliit naming kusina. "Anong gagawin ko? Bakit ngayon pa, ngayon pa na mas kailangan kong magtrabaho para maipagamot si Inay" humagulgol na ako. Lumapit si Madeth sa akin at hinagod ang likod ko. "Tahan na, hindi makakabuti yan sa baby mo" pag-alo nya saakin, pero hindi no'n napagaan ang kalooban ko.

Impetuous PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon