Labing anim

2 0 0
                                    

It's almost dinner and I still need to take a bath. Maliligo na sana ako kaso nagising naman mula sa pagkakahimbing ang anak ko. Dinaluhan ko sya at kinarga, marahang sinayaw sa pagbabakasakali na muli s'yang makakatulog pero dilat na dilat na talaga ang mga mata.

Nakarinig ako ng marahang katok at marahang bumukas ang pinto.

"Hi, Mom and dad just arrived. Nireready na ang hapag para sa dinner" sabi ni Angelique.

"Ganon ba?" alanganin kong sabi at ngiti.

"Yeah, do you have a problem?" mahinhin nya paring tanong. Concern was etched on her angelic face.

"Kailangan ko pa kasing magshower, kaso hindi ko naman maiwanan si Xander at naglilikot" nahihiyang sabi ko.

Agad namang nagliwanag ang kanyang muka. "I can take care of him if you want" sabi nya nang nakangiti.

"Is that okay with you? I mean, hindi ba ako nakakaabala?"

"Hindi, ano ka ba. Akina para maka ligo at maka kain na tayo" lumapit ako sakanya para iabot ang anak ko.

Binilisan ko na ang ligo para makababa na. Ayaw ko naman nang inaantay, nakakahiya. Mabilisan ko lang na pinadaanan ng blow drier ang buhok ko at nagtimpla ng gatas. Lumabas ako ng kwarto at saktong labas din nila mom at dad. Nagbeso at yakap pa muna ako sa kanila at sabay sabay na kaming bumaba.

Nauna silang tumungo sa dining habang ako ay tumuloy sa sala. Narinig ko ang mahihinang hagikgik ng aking anak kaya naman nagsalita na ako.

"Hi. Kakain na" sabi ko ng hindi inaalis ang tingin sa aking anak. I looked at him, those smirk reminds me of his dad. Lumingon sa akin si Angelique ng nakangiti. Nagtataka na hanggang ngayon ay hindi inaalis ng aking anak ang ngiti at pagkakatitig sa isang bahagi kaya binalingan ko ito ng tingin.

Laglag panga at nanlalaki ang mga matang nakatingin ako sa lalaking nakatitig din saakin.

Oh my gosh.

Kunot noong nagpapalit-palit ang tingin sa amin ni Angelique.

"Do you...know each other?" she asked curiously. Mabilis naman akong nakabawi at mabilis na umiling.

"Ahm n-no. Ngayon ko lang siya nakita" I said, stammering. I hope she didn't notice.

"By the way. Titiana this is Mikael, my fiancé. Kael, she is my long lost sister" she said. Tumango lang ako kay Kael at kinuha na ang anak ko. Kinakabahan na naglakad na ako patungo sa kusina, hindi naman nya siguro alam na anak nya si Xander diba? Pero sino ang niloko ko, yes Xander is exactly my spitting image but that doesn't change the fact that he still get a resemblance from his dad. Those eyes and damn lips.

"Where's your sister, honey?" mom asked, she immediately went to us and kissed my son.

"Hi, big boy" pinugpog ng halik ni mom si Xander. Iginiya na kami paupo at ng makapwesto na ay eksaktong pasok naman ng dalawa. That brute, the audiacity to stare at me. Naupo sila sa harap ko, pagkatapos magdasal ay sinimulan na namin ang kumain.

"Kailan nga pala ang wedding?" mom asked out of nowhere. Uminom naman muna ng tubig si Angelique bago sumagot.

"We still planning about that, dad. We are taking everything slowly, hindi naman po kami nagmamadali" she simply said and looked at Kael who is currently looking at the baby lying on a stroller beside me.

Tumikhim si Kael bago sumagot.

"Yeah tito. Besides I'm just waiting for Angelique's signal then we're ready to go. Siya lang naman itong may pa 'we should take everything slowly' paano kami makakarami nyan" sabi nya sabay tawa. Natawa naman ang lahat ng nasa mesa maliban sa amin ng anak ko. May nakakatawa ba? Required din ba akong tumawa? Kahit kailan talaga ang pangit nya mag joke.

"How about you Tia, when do you plan to bring the father of your son?" nakangiting sabi ni mom. Napatingin naman kami kay Kael na nasamid ata sa sariling laway.

"Are you okay, baby?" tanong ni Angelique. Sumenyas lamang si Kael at muling inayos ang sarili. Napailing na lamang ako.

"Hindi ko rin po kasi alam kung saang lupalop sya nagtatago. Pero hayaan nyo na po masaya naman kami ng anak ko na kami lang" nakangiting sabi ko habang binibigyang diin ang mga salitang binibigkas ko.

"Magandang gabi Madrigal pamileee" masiglang bati na nagtanggal ng tensyon mula sa hapag.

Pumasok si Madeth sa dining, bitbit nya ang magdadalawang taon na si Audrina. Agad na naging alerto si Angelique, hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing nakikita nya si Audrina ay nagbabago ang kilos at pakikitungo nya.

"Hi baby girl, we miss you already" masiglang bati ni Mom at dad. Agad na nilapit ni Madeth ang bata sa dalawa upang humalik at umupo na sya sa tabi ko.

Nakita ko pa kung paano sumulyap si Kael sa bata pabalik kay Angelique. Pinabayaan ko nalang silang dalawa.

"Oh my gas. Yung papsi ng junakis mo is here" mabilis kong kinurot ang hita ni Madeth. Ngayon ko ipinagpapasalamat ang kakaibang pananalita ni Madeth dahil mukang hindi naintindihan ng lahat ang sinabi nya.

"You and your own language" sabi ni mom na natatawa. Pilit ko namang sinabayan ang tawa nila, gayundin si Madeth na animo'y natatae. Sobrang pangit magpanggap ng letse.

"Kain na us. Tomsgu na kami ng baby" sabi nya at sinimulan na ang pagkain.

Matapos ang dinner ay agad kaming nagtungo ni Madeth sa kwarto ko.

"Hoy Tia, ano yun. Bat andito yung talipandas na Kael nayun?" nanlalaking mga matang nakatitig saakin.

"Obviously, fiancé sya ng kapatid ko--"

"Aba talaga nga naman, at talagang pinatos nya pa kayong magkapatid? Kakaiba nga namang talipandas yan" sumisigaw pang sabi nya.

"Manahimik ka nga, baka may makarinig sayo."

"Anong plano mo?" malumanay na nyang tanong.

"Hindi ko alam, ayoko namang makasira ng relasyon. Pero kakausapin ko si Kael, karapatan parin naman nyang malaman na may anak sya kahit na tarantado sya." sabi ko habang binabantayan ang anak ko na nakikipag baby talk kay Audrina.

"Pano kung malaman nyang fiancé nya na anak ni Kael si Xander, anong gagawin mo? Sigurado ako na malaking gulo ito" tanong nya.

"Hindi ko alam, bahala na. Kaya nga kakausapin ko muna si Kael. Pero halata naman na mahal na mahal nila ang isa't isa, biktima lang naman kami pare pareho ng maling pagkakataon" I told her while humming a song.

"Bitter ka teh?" sabi nya ng natatawa. I just rolled my eyes as a reply.

"Kumusta pala si Inay at Itay" tanong ko pagkuwan.

"Maayos naman, bumubuti na ang lagay ni Aling Cora. Sabi ay nitong darating na buwan ay maari na syang ilabas"

"Thank you, Madeth. For being here, I am certain that we wouldn't overcome this and we don't know exactly what will happen to us without your help" I sincerely said. She was taken abacked for a mean time before she reply.

"Sus, wala yun. Uuwi nga muna pala ako sa atin. Kailangan ako sa bahay kaya baka matagalan bago ako makabalik"

"I understand, malaking bagay na ang naitulong mo kaya siguro ay maari ka na munang umuwi" I said looking dearly at my son.

A soft knock interrupted our moment. Suddenly, the door swang open and Kael made his apperance.

"Hi, can we talk.....ng tayong dalawa lang" he said looking at Madeth as if sending her his message.

Madeth glance at me asking what should she need to do. I nod and after that we heard the door shut behind us.

Locking me with this damn bastard.

Impetuous PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon