Ikaapat

4 0 0
                                    

Hapon nang mautusan ako ni Inay na maglinis sa mansyon, dahil hindi raw nya kayang kumilos at inatake na naman daw siya ng rayuma.

Tinahak ko ang daan papunta sa mansyon na linggo-linggo kung linisan ni Inay. Ang kwento ay, isang mayamang lalaki raw ang nagbabayad sakanya para maglinis doon. Sayang nga at mukang hindi naman natitirhan ang malaking bahay na iyon.

Pagdating ay nagsimula na ako, hindi naman masyadong makalat kasi wala naman ngang tumitira dito. Simpleng punas, walis at lampaso lang ang ginawa ko. Nang matapos sa ibaba ay umakyat na ako para maglinis sa ikalawang palapag.

Pumasok ako sa unang kwartong nabuksan ko, maganda ang kwartong ito, simple pero maaliwalas sa paningin. Lumakad ako papunta sa kama at pinadaan ang mga daliri ko. Malambot, malayo sa higaan ko sa bahay. Umupo ako sa kama at dinama ang kalambutan nito. At dahil siguro sa pagod sa ilang oras na pagbebenta ng gulay sa palengke ay nakatulog ako.

Madilim na ng magising ako.

"Ay hala punyeta, nakatulog ako" agad akong bumangon at nalaglag mula sa kinahihigaan ko, Aray! Punyeta talaga. Tumayo ako at hinimas himas ang balakang kong sumasakit. Sumilip ako sa labas at nakitang madilim pa, sinilip ko ang oras sa dipindot kong selpon at nakitang alas-kuatro na ng madaling araw, ay isa pang matigas na punyeta.

Dali-dali kong nilinis ang kwartong pinagtulugan ko, pati narin yung mga katabi nito. Ala-sais ng matapos ako. Nagmamadali na akong bumaba dahil tutulungan ko pa sila Inay at Itay na maghanda ng mga gulay na ibebenta sa palengke.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng may mapansin ako, nilingon ko ang sala na sa pagkakatanda ko ay iniwan kong malinis kahapon, letse, anong nangyari at parang binagyo'to?

Pinulot ko ang nagkalat na mga lata ng alak. As in mga, kase apaka dami nila. Letsugas talaga, pisteng yawa. Pinulot ko lahat nang nakita kong lata ng bigla nalang akong matalisod sa nakaharang na paa. Paa? Hayop yan, paano nagka paa sa sala? Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakadapa at sinilip yung paang nakatunghay sa lamisita. Mula sa paa ay inangat ko yung tingin ko paakyat sa muka ng lalaki.

Tumayo ako at lumapit, sinilip ko kung buhay pa ba ang isang to, pinindot-pindot ko yung pisngi nya. Ang gwapo, lintek. Hinawi ko yung buhok na tumatabing sa muka nya at lalo kong napagmasdam yung magandang itsura nya. Hinawakan ko yung katawan nya at naramdamang sobrang init nya. Literal na mainit, aba ang hinayupak nilalagnat.

Pilit ko syang binubuhat para maihiga sa sofa, hindi sya nagising at paulit ulit lang syang umungol. Aba tangina, hindi ko naman inaano, ungol ng ungol. Dumerecho ako sa kusina para kumuha ng planggana at sinahod sa gripo. Luminga-linga ako para maghanap ng towel pero wala, hanggang sa makita ko yung basahang ginamit ko pamunas ng lamesa at mga upuan kahapon.

"Ay, hala. Pwede na'to. Nilabhan ko naman na to kaya wala ng germs" lumabas nako ng kusina at tumungo dun sa lalaki. Binasa ko yung basahan---I mean yung bimpo---tsaka ko dinampi sa muka nya. A little bit germs will not destroy his handsomeness naman eh. Pagtapos sa muka ay pinunasan ko na din yung mga braso nya, tinanggal ko na sa pagkakabutones yung longsleeve nya at putspa, may abs punyeta. Bat sya may abs tas ako wala? Sabay taas ng T-shirt ko, pero agad ko ring binaba nang sumilip ang pink kong bra.

Pinunasan ko ng super bagal yung abs nya ng may maalala ako.

"Ay anak ka ng ina mo, uuwi na nga pala ako" sabi ko at basta nalang binagsak sa muka nya yung bimpo na hawak ko. Pero bago pa man ako maka hakbang ay hinawakan na nya ang palapusuhan ko.

"Please, don't leave me!" mahinang sabi nya. Sinilip ko pa kung gising na, pero tulog pa naman. Nanaginip siguro.

Hinila ko na yung kamay ko at lumabas ng mansyon. Lakad takbo na yung ginawa ko kase anong oras na, paniguradong malilintikan ako nito kay Inay.

Impetuous PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon