"Nakapag review ka?"
Kalabit ni Ashe sa akin habang umiikot sa likod ko papunta sa upuan niya sa harap ko. Nang makaupo siya ay awtomatiko kong ibinigay ang papel na kanina ko pa binabasa.
"Magtanong ka,dali" tumango naman siya at sinabing mag salitan daw kami, alam kong pareho na naman kaming puyat dahil sa pagiging night shift.
"Good day!" Ganoon din kaming binati siya. Habang inilalapag niya ang mga papers sa kaniyang lamesa.
"Before I give this paper, be sure that there's a seat apart between you and your seatmate--"
He's scary. Lahat naman kami ay nag hiwa hiwalay na para makapag umpisa.
"Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa, lingon sa likod, punit ang papel. Da ya understand?!" kami naman itong mga tupang "Yes sir".
We're almost done, Isa na lang and we only have one hour to finish these three problems.
One hour lang para sa three problems ng subject na ito. Kahit siguro kung sa bahay lang ako matatagalan pa rin ako, wala akong mapagtanungan.
"Mr.De torres, what are you doing?"
Walking towards him na para bang merong masamang ginawa si Bry, pero ang totoo mukhang tapos na agad siya.
And now nandito na si Sir sa gilid ko.
"Nothing sir"
Tila ba hindi naniniwala si Sir sa sinasabi ni Bry. Kinuha niya rin ang papel nito.
Nakakagulat.
Tumingin siya sa aming lahat at tingin sa kanyang wrist watch.
"Five minutes left finish or not pass your papers, masiyado kayong nakikichismis dito kayo ba si Mr. De torres?"
Nagsibalik lahat sa kani kanilang pagsagot at ganun rin ang usapan nila. Ganun na lang kaba ko dahil ang totoo ay meron pa talaga kaming twenty minutes. Masyado niya kaming minamadali, iisa pa lang pati ang nasasagutan ko.
Habang nagtatalo sila Sir dito sa likod ko, nagdadalawang isip ako kung gagayahin ko ba yung mga kaklase kong sinasamantala ang pagkakataon habang wala sa amin ang atensiyon ni Sir.
'O'
Salitang naporma sa bibig ni Ashe.
Binigay niya naman ang scratch paper na ginamit niya. Kompleto.
"Bakit?"
Bulong niya habang nakakunot ang noo nang kalabitin ko siya ulit. Ngumuso na lang ako sa kanya bilang thank you.
Ew.
Parang ganun na lang ang reaction niya.
Isang oras din ang vacant time namin kaya ayos lang. Sabay na kaming kumain ni Ashe sa De Café dito sa loob ng school. Buti na lang at marami pa ng vacant seats kaya nakahanap agad kami ng mauupuan.
Pumila na si Ashe para bumili ng kakainin namin at ako naiwan dito for reservation. Ngunit sa hindi kalayuan sa pwesto namin, I found a love.
Joke.
"Cla---" kakawayan ko na sana kaya lang hindi niya na makikita dahil marami na rin yung pumapasok dito, may inaakbayan siyang babae hindi ko lang nakita yung mukha.
"Kain na! Girl, forty five minutes na lang oh maglalakad pa tayo" Aniya niya habang umiinom ng soda na hawak niya. Malapit niya nang maubos yung kanin niya samantala yung akin kalahati pa lang ang bawas.
"Padaan nga"
Maangas na sabi nito sa kaharap. Karamihan ay nanonood na sa magiging asta nito. Kasabay rin ang bulong bulungan ng iba