chapter 6

30 13 0
                                    

Kami man ay may kaya iba pa rin ang dating niya kumpara sa amin. Kahit pa napaka simple ng suot nila ay hindi mawawala ang karismang naidudulot nito sa amin.

She's about to reach Cae's height, her heart shaped lips look very attractive to her that suits her very much with her long eyelashes. Does it look fake, I can't deny that her wrinkles are now seen.

"Tita sila Mama daw kailan pupunta?" Tanong ni Cae sa babae,

"Bukas pa daw sila kasama sila Tito Opan mo, Si kira man ay mamaya pa ang dating may kasama raw" She replied.

Nag umpisa kaming kumain ng mailapag nitong lahat ang dala niyang pagkain.

Hindi man karamihan pero napaghahatian naman namin.

"Aalis na tayo bukas" Hindi ko alam kung nagtatanong ito o sinasabi lang. Naglabas si Freya ng camera at panay ang kuha ng mga litrato kasama si Ziyn at ang iba.

Hindi naman sa sinasadya kong marinig ang tanong ng mama niya natutuwa lang ako.

"Katipan mo na baga ayung babaeng yun ay?" Sigurado akong si Freya ang itinuturo nito. Hindi ko pa man narinig ang sagot ni Ziyn ay umalis na ako at nagrecord ulit ng scenes sa tabing dagat.

Matagal tagal din bago kami ulit makabalik dito. Aabutin pa ng taon. Pero isa ito sa pinaka memorable na bakasyon ko sa magiging buong buhay ko.

"Ang ganda di ba" sabi ko sa likod ng camera habang nakikita ang papalubog na araw na ngayo'y medyo purple na ang ulap.

Inaasahang kong biglang susulpot si Cae dahil sa hilig nitong mangasar at sumulpot na lang bigla, pero iba ang tao na ito ngayon.

"Sobra," Ziyn said.

Ewan. Ang awkward ng dating sa akin.

Nakakahiya.

"Uuwi na raw, tara na..you can stay--"

"Weh? Talaga? " Pagputol ko sa pagsasalita niya.

"Unless you want to be left alone." Dagdag niya. Nauna na siyang naglakad saka ako sumunod.

"Unless you want to be left alone" I mimicked his voice, but his glare made me look back and never dare to make eye contact with him.

Why?

Caerus, why is your cousin like this?

Nauna na kami nila Ashe sa taas pagdating na pagdating sa bahay. Wala namang magla lock ng pinto sa kwarto na tutulugan namin dahil wala itong pinto at tanging makapal na kurtina lang ang nakaharang dito.

Ganun rin sa katabing kuwarto na tinutuluyan ng mga lalaki.

Apat na kuwarto ito yung Dalawa ay parehas may pinto na at maayos, hindi daw pwede tulugan iyon dahil may may-ari nun. Bali ang kuwarto dito sa taas ay apat meron rin isang banyo na hindi pa nagagawa. Ganun din sa baba may apat na kuwarto.

"Di pa ako nag to-toothbrush, samahan mo ako sa labas" Ayaw ko man ay gustong gusto ko na ring umihi. Pero nakakatakot.

Noong nakaraan kasi ay nagpasama ako kay Jeff sa labas para rin maglabas ng tubig sa katawan. Pero bago pa makaupo sa inidoro ay tumayo na lang ulit ako at lumabas kahit hindi pa nakaka ihi. May kung ano ano kasi akong naririnig na insekto at may palaka sa gilid nung inidoro.

Kinuha ko na lang ang toothbrush ko at bumaba para sa lababo na lang magsipilyo. Itinanong namin kung na saan sila Caerus sinabi lang nitong magsusundo raw.

"Kapatid tiyaka pinsan ata nila yung susunduin sa pier. Matulog na lang daw tayo kapag inaantok na" sabi ni Eugene na siyang nagpapahid ng Toner sa kanyang mukha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

W  D  D  S  Y  AWhere stories live. Discover now