Tatlong oras din mahigit ang naging biyahe namin sa pagsakay sa barko. Ngayon lang ako nakapunta dito maganda din pala, paniguradong ganun din sila.
Naglalakad na kami papunta sa labas ng pier, maganda siguro kung may liwanag kami pumunta rito makikita mo ang mga Morion na structure dito.
Maraming ngang talagang mga taong umuuwi rito, dahil ganun na lang kung makipag uhanan sila sa mga Passenger Van ata yang mga yan na may nakalagay na Sta. Cruz at kung ano ano pa. Hindi ko alam kung magcocommute lang din ba kami at nag aantay ng ibang van na kaunti pa lang ang laman.
Sinundan lang namin Sila Cae na naglalakad lakad sa kadahilanang wala kaming alam dito at baka maligaw pa kami.
"Sa'n kayo?" tanong nung lalaking nasa gilid ng van. Pero imbes na sumagot ay umiling na lang kami pareho ni Freya.
"Bakit kayo sumunod?" nagtatakang sabi ni Se habang nag laglag ng limang piso sa Coffee vendo machine.
"Bwiset, tinatanong pa ba yan" mataray na sabi ni Ashe with matching irap pa.
Hindi na ako magugulat kung ganun lang din sagutin ulit ito ni Cae ng mas mataray pang paraan.
"Malamang. Duh hindi ko naman kayo iiwan lalo na at kasama niyo si Faye." Iniabot nito sa akin ang kape at naglaglag ulit ng isa pa.
"Oh" sigaw ni Ashe na nakagawa ng ingay at nag agaw ng atensiyong ibang pasahero. Tumawa na lang ang iba naming kasama at ganun na lang ng mapailing ang iba dahil sa ginawa ni Ashe.
Si Daphne lang ang mukhang antok na antok ngayon na nakayakap sa braso ni Jeff.
Inaya ko ito ng kapeng iniinom ko pero tinatanggihan niya pero nang abutan ito ni Cae ay kinuha niya agad at inaya rin si Jeff.
"Ngayon ko lang napansin"
"What?" Hindi ko inaasahan na si Ziyn yung sasagot. Maliban dun sa belt bag na dala nila wala na silang ibang dala.
Samantalang ako pati ang panda bear ay hawak ko pa rin may nakasabi pa sa akin na shoulder bag at backpack.
Naglalakad ulit kami pupunta raw sa pinakadulo ng mga nakahilerang mga Van at tricycle dito.
Ewan ko ba dito. Si Eugene ang sinusundan namin ngayon.
"Hindi pa ba tayo aalis dito?" Huminto ako ako sa paglalakad para lingunin si Cae, pero bumunggo lang ako sa dibdib ni Ziyn. Ang alam ko ay si Caerus ang nasa likod kong naglalakad.
"Don't you like it here? Kaya gusto mo na umalis agad?" may mapagbirong ngiti ito sa kanyang labi ngayon.
Umiling lang ako, naiilang pa ako sa kanya, hindi ako sanay na may iba akong kasama.
"Hey!" lapit ni Freya sa kaniya at ganun na lang ng ipulupot nito ang braso sa bewang nito.
"Actually may susundo sa atin kaya tayo naglalakad" Biglang sulpot ni Se habang bitbit ang bag ni Daphne saka umakbay sa akin.
Nang makarating kami ay may sumundo nga talaga sa aming sasakyan. Dalawa iyon kaya nahati kami sa dalawang group.
Ang sosyal ng dating dahil ang sabi ng mga nagmamaneho ay ayaw daw nila ng mafeel na masikip sa loob.
Si Kirb, ako, Daphne, Ashe, Caerus, at Brent ang magkakasama. Samantalang Sa kabila sila Freya, Ziyn, Claude, Jeff. Umandar na ang sasakyan matapos naming lahat makasakay.
Nang buksan ko ang aking cellphone ay sunod sunod ang pag tunog nito at may limang missed call na rin galing kila Chantelle at Isha. Pak pak.
'San kayo?'
