Masyado ng malayo ang pagitan namin ni Ashe. Paakyat na ulit siya samantalang nandito pa rin ako sa tindahang binibilhan ko. Apat na store pa ang sumunod nang may nakita akong ipis na laruan. Mura lang naman kaya bumili na akong ng dalawa.
Ewan ko ba dito kung bakit mas nauna namin itong madaanan.
"Faye! Kunwari ikaw si spongebob na nakasakay sa kabayo" Turo niya dun sa kabayong may pink na buhok at sa likod nun ay ang pinyang silungan.
"Ikaw muna, kunwari ikaw si Patrick nakadikit sa bahay ni spongebob"
Kahit naka maikling skirt ay sumakay pa rin kami sa kabayo at gumawa ng ilang poses habang kinukunan ng litrato.
"Pa heart naman" dagdag niya pa. Parehas namin itinaas ang magkabilang braso upang makagawa kami ng hugis puso.
"Last na po! Solo naman ako"
"May dagdag na bayad na are ineng sige ka" mukhang gusto na rin magreklamo ni manong.
"Ineng, yung kwan cellphone mo ay puno na ata" Dinig kong pagsabi ni manong kay Ashe. Habang si Ashe naman ay nakasalubong na ang kilay papalapit upang tingnan ang cellphone.
"Tingne raw are at baka mali ang basa ko"
"A hindi po, puno na po talaga. Saglit lang po ha" Kita ko ang pagtango ni manong at ang paglapit ni Ashe.
"Oy, may cellphone ka? Talaga?"
Turo niya sa hawak kong phone.
Tumango ako
"Bakit?" Kahit narinig kong wala ng storage ang kaniya ay naitanong ko pa rin ito.
"Gumagana" Sabi na.
"Delete delete rin"
"Ayaw ko, pahiram na isang shot na lang naman. Thank you." Walang sabi sabi ay kinuha niya na iyon at bumalik para magpapicture.
Magstay pa kami dito hanggang mag-ala singko ng hapon. Mas lumalamig. Nakaupo lang kami habang tinataw ang panoramic Scenes dito.
"Sa susunod punta tayo diyan maliligo tayo sa crater ng taal" Turo niya sa kalawakan ng lake. "Isasama ko si Danny iluloblob ko sa kalagitnaan tapos iiwan natin" Nanggigil niyang sabi habang nakasalubong ang kilay na ikinatawa ko na lang. Kahit siguro ako ganun din gagawin ko.
"Ang sama mo naman" natatawang sabi ko.
"Ano na lang tawag sa kaniya kung ganun?"
"Ewan, ano bang gusto mo?"
"Ikaw manahimik ka na tapos na 'yun okay"
"Well, sa bagay."
Akala namin kapag nagpalipas pa kami ng alas singko doon ay makakakita kami ng sunset yun pala lamig at mas pinakapal na fog lang. Ang lamig na ng mga braso ko.
Nang makarating sa pinag paradahan ay kinuha na niya ang susi sa stockings niya na hanggang hita. Wala kasi kaming bulsa sa palda, hawak lang din namin ang cellphone kaya maski ang mga ito ay nag moist.
"Gosh, 'wag na tayo mag aircon ang lamig"
Tumango ako at kinuha ang bag upang ipasok ang kamay sa loob nito nang sa gayon ay uminit ang pakiramdam nito.
"Ingat sa atin" Parehas na nag sign of the cross bago kami lumarga pauwi.
"SMDC tayo, di ako nagpaalam kila mama"
Gabi na rin kasi baka mag bubunganga si mama at baka magalit si daddy.
"Gaga HAHAHAHAee ako rin sa condo uuwi. Sabi ko may ginawa tayong thesis."
