chapter 5

39 17 0
                                    

Hindi ko na alam kung maaawa ako o matutuwa sa mga nangyayari kay Freya.

Araw na rin ang lumipas simula nung nagkasugat siya dahil sa pagkadulas at ganun rin kagabi nang tumama ang braso niya sa may hindi pa tapos na pader sa rooftop, yun bang sementong hindi pa na papakinis.

"Nagbakasiyon akong maganda at makinis tapos uuwi na lang akong maganda at may sugat sugat. Paano na lang ako?"

"Ayaw mo nun may remembrance, no need to capture" sabi ni Cae ng tulungan kami isa isa pababa ng bangka. Habang ang ibang mga lalaki ang nagbitbit ng mga gamit namin.

Tinanggal ko ang suot na tsinelas nang ako na ang baba, baka kasi madulas ako pero nakahawak pa rin naman ako kay Sese.

Ang arte 'di ba?

Si Jeff at Isha ay todo kuha ng litrato sa paligid. Ang sabi pa nila ay mamaya raw ay magpapalit sila ng suot para makunan din sila.

Nagaayos kami dito sa pwesto namin ng aming mga pagkain dahil ang mga gamit namin ay nandun sa room na nirent namin for two days. Ambagan naman daw kaya okay lang din.

"Papa Ziyn totoo to?" Biglang hawak ni Jeff sa may tiyan nito nang maghubad ng damit at naiwan na lang ang board shorts nito.

Nagtatatalon talon ito at napatakip ba ng bibig na para bang ngayon lang siya nakakita nito.

"AHAHAY"

"Drawing lang ata" Tiyaka isinabit ang damit sa likod ng inuupuan ko. Gagang to dito pa talaga sa harap ko itatapat yung pinagmamalaki niyang drawing.

"Six."

Tumingin ito sa akin nang nakangiti. Hindi mo naman maikakaila na magandang lalaki siya, kaya gustong gusto ni Freya kahit hindi sila.

"Don't"

"Anong don't ?" Kunot noong tanong ko sa kanya ng magsalita siya sa harap ko.

Ambilis naman niyang isampay yun.

"You're cute," Alam ko naman yun. Bago pa man gumanti ng ngiti sa kanya bilang thank you ay hindi na lang dahil dinugtungan niya pa ito.

"Pero huwag kang magbibilang" Umalis na ito sa harap ko at dumiretso sa paglalangoy kasama ang pinsan. Hindi naman a

"Hala ka girl" Masiyadong masakit manghampas 'tong baklang to. Hinubad rin niya ang suot niyang pangitaas at kitang kita mo ang magandang korte at tindig nito. I thought magpapalit siya ng damit, swimsuit, bikini something.

"Bwiset ka pagsusuotin mo ako nun e hindi nga alam nung mga followers ko na girl ako shuta ka rin e no, o ikaw na lang gumamit nyan" Inihagis nito sa akin ang neon green ring linked bikini na mukhang familiar.

"Akin to di ba? Bakit hindi ka nagpapaalam" Alam ko akin to dahil isa ito sa mga swimsuit na iniregalo isa akin nila mama kasama ng laptop nung nagseventeen ako. Weird man pero gusto daw nila akong makitang nakaganun.

Ngayon ay naglalagay ito ng sunblock sa katawan.

"Girl, siyempre magpapaalam naman ako pero kapag suot ko na para no tanggihan na."

"Pano kapag hindi ako pumayag?" Nagmamasungit kong tanong.

Tumayo na ito at susunod sa mga kasama namin na nandun na at naliligo.

"Duh, hindi ka pa papayag nun girl suot ko na yun kahit yung pantabon sa ibaba ko tapos kukunin mo. You're so ew"

I see.

Yung sunblock sayang lang maliligo agad siya.

Napairap na lang ako.

Naglalakad papunta dito sa cottage sina Isha at Daphne na parehas ng naka two piece bikini.

W  D  D  S  Y  AWhere stories live. Discover now