Alas sais na nang makaalis kami sa condo na tinutuluyan ni Ashe.
Traffic.
Mag a-ala siyete na rin.
Nanonood lang ako sa bintana ng mga kasabayan naming na traffic habang naka indian sit at yakap yakap ang bear na hawak dito sa mahabang upuan sa likod.
Si Cae naman ay naka earphones habang may kinakalikot sa phone niya. Si Brent naman ay natutulog habang nakadekwatrong panlalaki. Halos lahat ay naka idlip na maliban kay Kuya driver.
Nahawakan agad ni Brent ang noo ni Daph nang muntik na itong mawala sa balanse. Nang dahil dun ay naalimpungatan siya.
"Oh"
Ibinibigay ko ang panda yakap ko ngunit tinatanggihan niya ito, baka raw kasi ay makaidlip ako at walang masandalan.
"Sige na, malapit na naman tayo" sa huli ay kinuha niya rin ito pero hindi makahanap ng magandang pwesto kaya tinapik ni Brent ang kaliwang hita niya para dito umunan si Daphne.
Wala rin itong magagawa kaya humiga na lang siya doon at bumalik sa pagtulog.
Nag Iba ulit ako ng puwesto dahil nakakangalay ang pagdungaw sa bintana, umupo na lang ako paharap kay Daph at ipinatong ang mga paa sa dulo ng upuan nito. Napahikab na lang rin ako ng humikab si Cae dapat hindi na lang nakakahawa 'yun. Nagtutubig tuloy yung mga mata ko.
"Inaantok rin ako " Isinandal nito ang ulo sa balikat ko at saka inangat ulit nang magsalita ako.
"Wait lang" hinanap ko muna ang bag ko at kumuha ng panyo sa loob nun saka inilagay sa balikat na sasandalan niya.
"Ang arte naman" pag iinarte nito at ipinilig ang ulo sa aking balikat.
"Buti nga pinasandal pa kita diyan, baka kasi maging mahimbing ang tulog mo tapos magtulog mantika ka"
Mas mabuti na yun kesa mangamoy laway.
"Duh, hindi ako tulog mantika" sabi nito maski nakapikit na ang mga mata.
Mararamdaman mo ang lamig ng hangin lalo na at nasa tabi kami ng dagat. Wala mang mga bituin ay kitang kita mo ang liwanag na nagagawa ng buwan.
"Pumasok na daw tayo sa loob tumawag si Cae" Iwinawagayway ni Daphne ang kanyang cellphone patunay na hindi siya nangtitrip ngayon.
"kausapin ka daw ni Cae" saka inabot ang telepono sa akin.
"Bakit?"
[Miss na agad kita]
"Siraulo" Ewan, pero kahit trip trip lang ni Cae 'yun ay bigla bigla na lang nag-iinit ang pakiramdam ko.
[Pumasok na kayo dito,nag chichikahan pa kayo] saka pinatay ang tawag dahilan para na rin pumunta na kami sa loob at doon na lang mag-antay ng ilang minuto para sa sasakyang barko.
"Umutot ka te?" nanlalaking mata ni Jeff ang nakita ko nang lingunin ko siya dahil sa pagkalam ng aking sikmura habang nanonood kami dito sa lobby.
Hindi ko rin alam kung lobby din ito pero mukhang ganun rin naman.
"Nagugutom ako" natawana lang ito at sinabihan akong grabe ang lakas nang nagawa nitong tunog.
May nakita akong Donut Stall sa likod. Isa lang ang balak kong bilhin para sa akin, doon ko na rin uubusin.
Bahala sila diyan tawanan ba naman ako. Pumunta muna akong Cr para maglabas ng Tubig sa aking katawan. Bago dumiretso sa Stall nung donut.
"Isa nga po dito" turo ko dun sa nag-iisang strawberry frosted donut.
