Gwyneth's POV
"Gwyneth gumising kana diyan pwede ba? Mahuhuli tayo sa first class naten!" So nag transfer kasi kami ng bagong school ni Vanny dahil nandoon ang kanyang nakakatandang kapatid kasi sabi daw ni mommy mas okay na 'yon para mabantayan daw kaming dalawa.
Agang aga ang ingay ng kanyang bunganga. "Paano ka naka pasok sa kwarto ko? Hindi mo ba alam na matagal nang naimbento ang 'pagkatok' before entering someone's room?" I snapped at her.
"Ha? Attitude ka girl? Syempre alam ko namang 'kumatok' eh baka kasi di mo marinig kasi ang himbing nang tulog mo tsaka pasalamat ka nalang dahil ginising kita." Maarte niyang sinabi. "Duh, What if ayaw kong mag pa thank you? Umalis ka na nga, maliligo pa'ko."
"Aray!" Bigla siyang napasigaw ng tinulak ko siya pero mahina naman. "Ang arte mo, hindi naman masakit."
"Ito na aalis na nga po." She said with an annoying smile.
I immediately took a shower at nag bihis then when I finished, I went downstairs para kumain. "Baby kumain kana ipinagluto kita ng favorite mong food, and hinihintay kana ni Savannah." Umupo agad ako para kumain. Palagi kasi akong ipinagluluto ni mom ng mga paborito kong foods.
"Thank you mom, nasaan po si Vanny?"
"Savannah is in the living room nanonood ng Netflix." Mom said. "Kumain na po ba siya Mom?" Baka kasi hindi pa kumakain 'yang si Vanny eh.
"Hija kumain kana ba?" Sigaw ni Mommy sa ka niya. "Yes po tita, bakit po? May libreng pagkain po ba kayo? Hehe Char lang po tita." Tumawa lang kaming tatlo. "Pero kapag nagugutom ka sabihin mo lang sa amin ha?"
"Sure Tita! thank you."
Mag bestfriend rin kasi si tita and mom noong High School. Laging nandito si Vanny sa bahay namin kaya sanay na kami sa mga kalokohan niya.
Nang matapos na akong kumain ay nag toothbrush na'ko tsaka umalis na kami.. "Tara na nga I'm excited to find a new friends."
Pumasok nalang kami sa sasakyan at umalis na. "Let's go manong Leo."
Hinatid na kami ni manong Leo sa school. Vanny is excited nanaman kasi may makikita siyang mga gwapo sa campus. Savannah has been my bestfriend since grade 1 tsaka ngayong senior high school we are still bestfriends. Parang mag kakapatid narin ang turingan namin sa isa't isa kaya ayaw kong masira 'yon.
"Nandito na po tayo Maam." sabi ni manong Leo. "Thank you po manong." Saad naming dalawa.
Ng makababa na kami ay namangha talaga ako kasi mas malaki ito kesa sa dati naming school at mas maraming students dito pero I don't care.
Pumasok na kami sa loob at binati kaagad kami. "Good Morning!" sabi ng guard, tumango at ngumiti lang kami ni Vanny.
Habang naglalakad kami ay maraming tumitingin sa'min at yung iba naman ay nag bubulungbulungan. Pero itong si Alex naman ay abala sa paghahanap ng mga gwapong estudyante.
"Wahh Gwyn tingnan mo may mga gwapo doon ho!" Oh diba sabi ko sa inyo eh, pero wala naman akong pakealam. "Edi puntahan mo, pakasalan mo narin kung gusto mo." Maldita kong sagot at tumahimik nalang siya.
Hinahanap namin ang room kung saan kami pero napahinto ako ng biglang may nagtanong sa'kin.
"Hi miss ngayon lang kita nakita ha, transferree ka ba dito?" nakangiting tanong niya at agad ko naman siyang inirapan.
YOU ARE READING
The Stupid Challenge
Short Story"I Will never forget the memories when we first met. The beginning of something special, The hope of something ideal. The Stupid Challenge."