"Martina! Nakapasok na sila dito sa loob ng palasyo! Umuunti na ang mga kawal na pumipigil sa kanila upang makapasok dito kung nasaan tayo. Kunin mo na si Emilia kailangan na natin sha mailayo dito" Tinignan ko ang mukha ng mahal kong asawa habang sinasabi niya sakin ang mga salitang ito, at sa itsura niya ay alam kong masama na ang kalagayan sa labas.
Sunod kong tinitigan ang mukha ng nag iisa namin anak.
Napaka mapayapa ng kanyang mukha habang natutulog. Hindi alintana ang kaguluhan at panganib na maaring mangyari sa kanya kapag naabutan nila kami dito.
"Öffnen sie einen sicheren durchgang!" Ani ni Maximo habang nagbubukas ng portal kung san namin dadalin ang kaisa isa naming anak.
"Maximo sigurado kaba dito? Mas magiging ligtas ba si Emilia sa mundo ng mga normal na tao?" May pag aaalala saking boses dahil sa mga nangyayari pero niyakap nalang nito ako kasama ng aming sanggol na anak na buhat ko ngayon.
"Hindi ako sigurado Martina pero mas alam kong mas magiging ligtas siya doon kesa dito, Mashadong magulo pa dito. Maging ako ay natatakot na hindi sapat ang mga kakayahan ko para mailigtas ko kayo." Mas hinigpitan niya ang yakap niya saakin.
"At isa pa, hindi naman natin kung kanino lang ipagkakatiwala ang ating anak." dagdag niya na nakapag pagaan sa aking loob.
"Komm, meine Liebe" pag akay niya sakin papasok sa portal na ginawa niya.
Pag pasok namin ay nag hihintay na ang aking kapatid na si Gorgia at ang kanyang asawa. Sa loob ng bahay niya kami lumabas galing sa daan na ginawa ni Maximo.
Agad namang tumayo si Gorgia upang hagkan ako ng mahigpit na may pag aalala sa kanyang mukha.
"Ate! Salamat nakarating na kayo ng ligtas! Tama nga ang mga pangitain ko nung isang buwan na susugod na ang mga kalaban, ngunit hindi ko lang masabi kung kailan nila isasagawa ito. Nakaramdam ako ng kakaiba kanina kaya't sinabi ko kay Stefan na dumito nalang muna kami."
Yes, my sister can see the future. It is not always accurate but palaging tama, may mga nawawala lang minsang mga detalye pero napaka limitado lang ang mga oras na nangyayari ito.
Isa ito sa mga oras na iyon. Sinabi na niya samin na mangyayari ito ngunit hindi namin alam kung kelan ang araw at oras ng pagsugod.
Gumanti ako sa kanyang pag yakap at inilahad ko sa kanya ang akin anak.
"Pangako mong aalagaan at po-protektahan mo ang akin anak Gorgia." halos mabasag ang boses ko sa pag sasalita. Tumango naman ito at napaluha.
"Martina kailangan na nating bumalik sa palasyo." Ani ni Maximo.
Bago kami umalis ay binasbasan namin ng Enchantment si Emila to keep her safe.
"Wir sehen uns wieder, Meine klein Prinzessin" Ani ni Maximo sa aming anak at hinalikan ito sa noo.
Ibinigay nito ang kanyang Heirlom ring at ginawang kwintas at inilagay sa aming anak.
"Be safe" lumuluhang humalik din ako sa aking anak.
Pumasok na kami ni Maximo pabalik sa portal. Ngunit habang isinasara ni Maximo ang portal ay binigyan ko ng huling sulyap ang aking kapatid, asawa, at ang nag iisa naming anak. Gorgia gave me a reassuring look to assure me na magiging safe si Emilia.
"Are you ready?" Mahigpit na hinawakan ng akin asawa ang aking kamay.
"Let's get this over with" sagot ko.
"Yan ang gusto ko sayo. Tara na" Ngumiti ito at hinalikan ako, hinila ako ng aking asawa palabas ng aming silid.
Ngunit bago kami makalabas ay tinignan ko sa huling pagkakataon kung san gumawa ng portal si Maximo.
Babalikan ka namin Emilia, kahit gano katagal babalikan ka namin.
And I know if the outcome of tonight's fight will be bad, you'll always find your way home.
(A/N: Welcome to Magische Akademie guys! Hope you support my story! Tschuss!!
BINABASA MO ANG
Magische Akademie (School of Magic and Special Abilities)
FantasyWho would have taught that the Academy will change her life in an instant? Well, she already know about it sa mga kinukwento ng tumayong parents niya sa kanya simula bata pa sha. Pero hindi niya akalaing papasok sha sa mundo na ito at magiging malak...