Chapter 9

15 1 0
                                    

Marcus' POV

Pagka dating ko sa HQ ay nandito na silang lahat at ako nalang ang inaantay. Tinignan naman ako lahat ng mga kasama ko at tinanguan ko naman sila.

Patungo na kami sa office ng Head Mistress. Lahat ay tahimik at nag iisip kung anong klaseng mission nanaman ang ibibigay nito samin. Mahigit isang buwan na ang nakalipas ng matapos ang huling misyon na ibinigay nito saamin.

Kumatok naman si Lucas ng makadating kami sa tapat ng pintuan ng office.

"Come in!" Rinig na sabi ni Head Mistress.

Binati naman namin ang Head Mistress at tumango lang ito saamin.

"Alam niyo naman kung bakit ko kayo pinatawag dito hindi ba? So let's start." Ani nito

Tumango nalang kaming lahat, pagkatapos non ay mag iniabot saking mga folders ito. Kumuha lang ako ng isa at ipinasa ko naman sa iba yung ibang folders.

Bawat mission na binibigay saamin ng Head Mistress ay confidential tanging siya lang at mga trusted counsils lang ang nakakaalam nito dahil masyadong maselan ang mga impormasyon ng mga misyon.

Binuklat ko naman ang hawak ko at nakalagay sa unang pahina ang mukha ng isang babae na nasa mid 20's.

"Siya si Ether ang guardian ng earth element. Isa siyang diwata na naninirahan sa bundok ng Aster. Kailangan niyo siyang mapa payag na sumama dito sa Akademie upang makatulong sa papalapit na digmaan." Head Mistress.

"Ngunit Head Mistress, walang nakalagay na exact location dito kung san siya banda ng Bundok Aster naninirahan." Lucas.

"Kasama na din sa misyon niyo ang paghahanap kung saan siya naninirahan. Ayon sa source ko palipat lipat ito ng lugar sa bundok upang hindi ito matunton ng mga kalaban."

Tumango naman kaming lahat.

"Nagpapalit din ito ng anyo upang hindi siya agad makilala" Head Mistress.

Tahimik kami habang nag didiscuss ang Head Mistress tungkol sa mga impormasyong makakatulong samin upang mapadali ang misyon namin.

Pagkatapos niyang i-explain lahat ay tinitigan niya kami isa isa.

"Alam kong hindi magiging madali para sa inyo ang misyon na ito dahil ito ang unang beses na binigyan ko kayo ng misyon sa mga guardian ng elements pero malaki ang tiwala ko sa inyo."

"Ilang araw nalang ay madadagdagan na kayo ng miyembro kaya wag kayong mag alala."

Ang tinutukoy nito ay ang level up na magaganap 2 weeks from now. Tss. 

"Aalis kayo bukas ng madaling araw, alam niyo naman na ang routines niyo for missions kaya hindi ko na sasabihin sa inyo. Sayang ang laway ko." tatawa tawang sabi ng Head Mistress.

I rolled my eyes. Nag jojoke nanaman ito. Tss. 

Pagkatapos ng meeting namin ay dumeretso na kaming lahat sa Head Quarters ng Ader dahil excused na kami simula sa araw na ito. Dito na din kasi ang nagsisilbing dormitory namin, may kanya kanya kaming kwarto dito. 

"Hayssssssss. Bagong mission nanamannnnnnn. Ilang araw nanaman kaya tayo mawawala?" Tanong ni Dahlia.

Naupo kaming lahat sa sala. Si Lucas naman ay binuksan ang TV. Si Alex at Armin naman ay dumeretso sa kusina upang maghanap ng makakain. Patay gutom talaga ang dalawang iyon.

"Siguro aabutin lang tayo ng mga one week for this. Hindi naman ganon ka layo yung bundok na yon" Alonzo

"Di nga ganong kalayo, napaka laki naman ng bundok na yon. Tsk" Masha.

Magische Akademie  (School of Magic and Special Abilities)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon