Emilia's POV
Pagka balik ko sa dining hall ay napansin kong mas madami na ang nagbubulungan. At take note, ako ang pinag uusapan nila. Di ko nalang sila pinansin at nasakit pa din yung balakang ko.
Habang papunta ako sa table namin ay nakita kong nakatitig sakin ng masama yung walang modong lalaki kanina. Tumitig din ako sa kanya, di ako magpapatalo no. Neknek niya!
Ngumisi lang ito at inalis na ang tingin saakin.
Pag upo ko naman sa table namin ay nag aalala naman ang mga mukha ng dalawa kong kasama.
"Emilia! Okay ka lang?! Ano ka ba naman kasi!" ani ni Sariah. Bakit ba to nasigaw?
Lumapit naman sakin si Mckenzie at tinignan kung okay lang ako. Tinignan niya kung wala akong galos sa katawan. OA netong dalawa na to ah.
"Bat ka pa kasi pumatol girl! Head ng Ader Group yung naka bangga mo kanina!" isa pa to naka sigaw din. related ba sila nila Sofie ha?!
"Guys okay lang ako. Wag kayo mag alala." Sabi ko nalang.
Tinitigan lang ako nung dalawa ng mabuti. Sinamaan ko naman sila ng tingin.
"Kumain nalang tayo, nagugutom nako." Tipid na sabi ko.
Ayoko mang gamitin tong side kong to sa kanila pero yun lang ang paraan para tigilan nila ako. Agang aga ang iingay e!.
Pag tapos namin kumain ay bumalik kami sa dorm para kunin ang mga gamit namin. Acads lang naman daw ang subjects ngayon kaya dinala ko nalang yung bag pack ko.
Tumungo na din kami sa classroom namin.
Pagdating namin doon ay sobrang ingay sa loob, typical classroom kapag wala pa ang teacher. Nang lumingon naman ang mga ito sa gawi namin ay tumahimik sila. Nagkibit balikat nalang ako at nagtungo sa likod dahil doon lang may bakanteng upuan malapit sa may bintana.
Nakatitig lang ang mga kaklase ko saamin, or saakin habang naglalakad ako papunta sa likod.
"Siya yung newbie kanina na pinag sisigawan si King kanina no?"
"Oo girl! Tapang niya. Tignan natin kung hanggang saan ang tapang niya!"
"Kaya nga. Nakakatakot pa man ding magalit yong si King."
Nakakatakot? Parang hindi naman! Tyka bakit ba bigdeal sa kanila yon? Nakakainis! So much for my first day huh?
Pagkaupo ko naman ay may lumapit saking tatlong babae na ang kakapal ng make up. May JS prom ba today? di naman ako na inform.
"Hoy babae! Anlakas naman ng loob mo para sigawan si King kanina?" Banat nung leader leaderan nila.
"Oo nga! Sino ka ba ah?" Alagad 1.
"Ang kapal naman ng mukha mo! Di ka naman maganda!" Alagad 2.
Dahil wala ako sa mood patulan ang mga ito at nakatitig na sa amin lahat ang mga kaklase namin ay tinignan ko lang silang tatlo ng malamig.
Nagulat naman sila at ng makabawi ang leader leaderan nila ay akmang hihigitin nito ang buhok ko.
"You bitch!"
Kinuha ko agad ang pala pulsuhan nito upang iikot at ilagay sa may likod niya at binulungan ko
"Don't. You. Fucking. Dare. Lay. Your. Hands. On. Me." I said with my cold tone.
![](https://img.wattpad.com/cover/231911827-288-k967310.jpg)
BINABASA MO ANG
Magische Akademie (School of Magic and Special Abilities)
FantasyWho would have taught that the Academy will change her life in an instant? Well, she already know about it sa mga kinukwento ng tumayong parents niya sa kanya simula bata pa sha. Pero hindi niya akalaing papasok sha sa mundo na ito at magiging malak...