Chapter 15

16 1 0
                                    


Marcus' POV

Nandito kami ngayon sa Field kung saan gaganapin yung level up. Today is the day para makita kung mag na enhance pa ng mga student ng Magische Akademie ang kanilang abilities and combat skills.

Yes, two days na ang nakalipas nang natagpuan ko si Emilia sa may south lake. And two days na din siyang walang malay. But sabi ng mg healers sa infirmary ay anytime soon ay magkakamalay na ito.

Araw araw din akong dumadalaw sa kanya sa infirmary upang tignan ang lagay niya. Mas umayos na din ang itsura niya at wala ng mga galos. Hindi mo aakalaing grabe ang pinag daanan niya don.

Three enemies and one wild animal versus one girl? Tas transferee pa?

Yes. Lahat kami ng mga ka grupo ko ay nagtataka kung pano niya nagawa yon. Pero hindi nalang namin ginawang bigdeal dahil kami kami lang ang nakaka alam ng bagay na yon.

Nagsisimula na ang level up. Ang set up sa field ay may isang malaking DCM (Dimension Changing Machine) sa gitna nito at nakaupo sa mga bleachers ang mga estudyante sa paligid nito upang makita ng lahat ang nangyayari sa loob.

Nasa higher seats naman ang mga professors at si Head Mistress. Nakaupo naman kami sa bandang baba nila.

Halos tapos na ang iba at ang tanging natitira nalang ay ang Medial at Star Section.

Tapos na din sumalang ang mga kaibigan ni Emilia. Masasabi mong mas gumaling pa silang dalawa kaysa sa nakaraang taon.

Hindi na ako magtataka kung mapapabilang sila sa grupo namin.

Ang mechanics ng activity na ito ay dapat makakuha ka ng score na mataas sa mission na ibibigay ng DCM. 10 ang pinaka mataas at  1 ang pinaka mababa.

Ang DCM ang magbibigay ng score mo depende sa ginawa mong performance sa loob.

"Marcus. Ano hindi pa ba nagigising si Emilia?" Tanong ng kakadating lang na si Alonzo.

Napatingin naman samin ang iba pa naming ka grupo.

Umiling nalang ako bilang pag sagot sa tanong nito.

"Mukhang hindi na sha makaka abot sa Level up ah. Sayang naman. Gusto ko pa man din makita kung pano sha makipag laban" Lucas.

Tumango naman ang iba ko pang ka grupo. Lahat kami ay curious sa kakayanan nang babaeng iyon.

Kailan ka ba magigising?

Dahlia's POV

Nandito pa din kami sa field para sa level up. Kakatapos lang ng pang huling student na sumabak sa test from Medial Class.

Maya maya pa ay may nasalita na sa intercom upang ipa kilala ang huling section na sasalang which yung section ng grupo namin.

Lumabas sa malaking screen sa gitna ang pangalan ni Lucas hudyat upang pumunta sha sa gitna ng field.

"Excuse me! Excuse me! Paraan ako." Sinamaan ko ng tingin ang lalaking hukluban na madami na namang dalang pagkain.

"Alex kailan ka ba matatapos kakakain?! Kaninang kanina kapa nguya ng nguya jan!" Bulyaw ko dito.

"Oh chill ka lang jan Dahls. Supplies natin to o. Kuha ka nalang. Hehe" sagot nito.

Akmang hahatawin ko ito ng biglang shang tumuro sa gitna ng field.

"O si Lucas na pala yung sasalang e!" Pag iiba nito ng topic.

"Aray naman! Mapanakit na babae!."

Binatukan ko nalang ito at nag peace naman ito sakin. Napailing nalang ako.

Magische Akademie  (School of Magic and Special Abilities)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon