Chapter 11

13 0 0
                                    

Dahlia' s POV

Magdilim na ng makadating kami sa pinakamalapit na  village dun sa bundok na pupuntahan namin.

Napaka habang lakadan ang ginawa namin. Ansakit na ng mga binti ko! Punyeta!

Tumungo kami sa isang Hotel dito sa village para doon magpalipas ng gabi.

"Masha, samahan moko dun sa front desk para makakuha na tayo ng kwarto natin. Jusq pagod nako!"

"Dalian na natin Dahlia! Higang higa na din akoooo!" Masha.

Kung titignan mo itong babaeng to matatakot ka talaga e. Ang fierce kasi nang features ng mukha niya pero if you get to know her, childish din sha. Pero samin niya lang pinapakita.

Sabay naman kaming lumapit sa front desk upang kumuha ng kwarto. Iniwanan na namin muna yung mga lalaki sa lobby.

"Good evening Ma'ams! How may I help you? Do you have any reservation Ma'am?" Bati ng babae sa front desk.

"Good evening, we don't have reservation, but may I know if the Presidential Suite is available?" Inilabas ko ang isang Special Golden Coin na ibinibigay samin ni Head Mistress everytime na may mission kami.

I slided the coin at the counter letting her the only one who sees it.

The coin indicates the person given that we are in a secret mission and any information about us must be discreet.

"Allow me to check for you queries ma'am. Please take your sit for the mean time. I will call you when the room is ready" Shebsaid smiling.

Tinanguan nalang namin ito ni Masha.

Nag bow naman ito saamin habang maingat na kinuha ang Golden Coin at umalis sandali upang i check kung available yung Presidential Suite.

Tumungo kaming dalawa pabalik kung nasaan ang mga lalaki. Napansin ko namang wala yung leader namin. San nanaman kaya nag susuot yon?

"O asan yung isa?" Tanong ni Masha.

"Lumabas lang saglit. Babalik din daw sha kaagad." Sagot ni Lucas.

Tumango nalang ako.

Maya maya pa ay lumapit na yung babae sa front desk saamin.

"Ma'am, Sir the suite is ready. This is your card keys. Please call us if you have any querries. Enjoy your stay!" Nag bow naman ito saamin habang inaabot ng kamay niya ang mga card keys.

Kinuha naman ito ni Masha agad at dumeretso na sa elevator. Ugali talaga ng isang yon!

"Thankyou!" I tapped the girl on her shoulders then smiled. Ngumiti din naman ito pabalik.

Marcus' POV

Lumabas ako saglit para mag manman dito sa paligid ng tinutuluyan naming hotel. Hindi ako madaling magtiwala sa paligid, lalo na kapag bago ako dito.

Nag libot libot ako. Pag labas mo ng hotel may mga maliliit na stores dito. Since this is a small village, kakaunti lang din ang mga tindahan na maroon dito.

Napansin kong parang may event sa mini park nila dito kaya medyo maraming taonsa paligid.

May naramdaman akong kakaibang aura na naka titig saakin ngunit sa dami ng tao ngayon dito hindi ko malaman kung nasan ito.

Nagpalinga linga pa ako ngunit wala talaga. Mag lalakad na sana ako ng may kumapit sa balikat ko.

"Pinuno! Ano pang ginagawa mo dito?" Armin.

Magische Akademie  (School of Magic and Special Abilities)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon