Chapter 14

18 0 0
                                    

Marcus' POV

Nandito kami ngayon sa gym dahil kasalukuyang ginaganap yung training before ng level up.

Nag oobserve kami kasama ng grupo ko sa mga nag te training.

Naka titig ako sa babaeng katapat ko sa bleachers. Sino? Edi si Emila. Mukhang bored na bored ang isang ito. Tapos na siyang sumalang sa training at kasama niya ngayon yung dalawa niya pang kaibigan.

Nakikita niya akong nakatitig sa kanya at nakikipag laban din sha ng titigan sakin. Ansarap talagang inisin nang isang ito. Hahaha!

"Matutunaw yung transferee sayo" Masha

Nilingon ko naman ang katabi ko at sinamaan ng tingin.

"Sinong nagsabing sa kanya ako nakatingin?" Tanggi ko.

Tumawa naman sha.

"Marcus, sa tagal nating magkakasama magkaka kilala na tayo. Hindi moko maloloko." Sabi niya ng naka ngisi.

Inirapan ko nalang ito na siyang nakapag pa hagalpak sa kanya ng tawa.

Binalik ko naman ang tingin ko kay Emilia. Nakita ko siyang tumayo at nagpaalam sa mga kasama niya. Tinitigan ko siya habang lumalabas ng gym.

Nagtaka naman ako dahil hindi pa naman tapos ang training. San nanaman kaya pupunta ang isang iyon?

Nagkibit balikat nalang ako at inilipat ang tingin sa mga naka salang sa training.

Lumipas ang ilang minuto at napansin kong hindi pa din sha nakakabalik sa pwesto niya. Hindi ko maintindhin kung bakit hindi ako mapakali sa upuan ko.

Panay ang paling ko dahil hinahanap ko sya sa buong gym dahil baka sa iba siya punwesto ngunit wala siya.

"Ano ba yan Marcus nahihilo na ako sayo!" Inis na sabi ni Masha. Napatingin naman yung iba naming ka grupo saamin.

Hindi maganda ang pakiramdam ko dito kaya tumayo ako agad.

"O san ka pupunta Pinuno?" Tanong ni Lucas.

"Labas lang ako saglit. Balik din ako agad." Asik ko at lumabas na kaagad ng gym.

Naglibot ako sa buong school. Mula sa garden, sa hallways, sa dining hall at kung saan saan pa. Nasan kaya ang babaeng iyon?!

Bigla kong naisip na baka nagpunta na naman siya sa lake.

Habang papunta ako doon ay nanlalamig ang mga kamay ko. Shit! Ano ba tong nangyayari sakin.

Naka rinig ako ng napakalakas groal ng isang hayop sa hindi kalayuan.

Ano kaya iyon? Sa tunog palang ay mukhang alam ko na kaya nanakbo ako ng mabilis papunta sa tunog na yon.

Nakita ko sa di kalayuan ang nakatalikod na babae na puno ng dugo at galos ang katawan at nanghihinang lumalakad papunta sa isang sako.

I heard her chuckled, nagulat ako dahil pamilyar ang tawa na iyon.

Nakita kong nilagay niya ang kamay niya papunta sa mukha niya na mukhang may pupunasan. Tumawa ulit siya at nagulat ako ng unit unit siyang nawalan ng malay at dahan dahang napahiga sa lupa.

Nanakbo ako upang saluhin ang ulo niya bago pa ito tumama sa lupa.

Kinapa ko kaagad ang pala pulsuhan nito at nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman kong may pulso pa ito.

Tinignan ko ang paligid at nakita kong may tatlong kalaban ang nakahiga at wala ng buhay sa lupa. Isama pa ang isang hayop na alam kong kasama din nila.

Siya lahat ang gumawa nito?

Tinitigan ko ang mukha ng babaeng kapit ko She is peacefully sleeping in my arms.

Magische Akademie  (School of Magic and Special Abilities)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon