Kabanata 1

38 6 0
                                    

Buryong buryo na ako dito sa aming tahanan batid kong isang linggo pa lang ang nakakaraan magmula ng malockdown at ma-quarantine. Kating kati na akong lumabas at magliwaliw. Araw ng miyerkules ngayun at sa ikatlong pagkakataon sinubukan ko muling makatakas ngunit sadyang pinaghihigpitan talaga ako ng tadhana sapagkat sa bawat kanto ay mayroong pulis na syang nagbabantay kung sakali mang magsilabasan at magsitakas ang mga tulad kung hindi magkamayaw sa loob lamang ng bahay. Sa huli, wala rin lang akong nagawa at umuwing bigo sa ikatlong pagkakataon.

'Eleng lumabas kana riyan at kakain na tayo' -saad ni mama. 'Susunod po ako ma' tugon ko. Unti unti kong narinig ang yapak nyang papalayo. Mga ilang minuto pa akong naupo doon habang tinitipa ang guitara bago ko napagdesisyonang bumaba at makisalo sa kanila.

'Ate eleng maari mo po ba akong tabihan?' paglalambing ni ellaine. Napangiti nalang ako sakanya at bahagyang tumango.
Si ellaine ang bunso namin at sya rin ang pinakapaborito ko sa lahat sapagkat bata palang ay interesado na ito sa lahat ng bagay lalo na sa pag aaral. Madalas rin syang purihin ng mga taong nakakakilala sa kanya dahil sa angking kagandahan at katalinuhan sa murang edad pa lamang. Sinasabi din nila na mas pinabatang beryson ko raw itong si ellaine, pabor naman ako kasi hindi nga kami nagkakalayo ng itsura pati narin ang aming mga ngalan at hilig.

Tahimik namang kumakain sila kuya ken na nasa kaliwa ko at sa kanyang harapan ay si charles at sa kaliwa naman nya ay si Mama habang nasa kabisera si papa na tahimik lang din habang nagmamasid sa amin. Pinakaayaw kasi sa lahat ni Papa ay ang pag iingay habang nakaharap sa pagkain. Sinabi nya sa amin na kapag nasa hapag na ay huwag ng mag ingay at kumain nalang, isipin daw namin na nasa simbahan kami at bilang pagrespeto narin sa nakahaing biyaya. Itinatak namin yun sa aming mga isipan. Lubos naming pinapahalagahan ang bawat binibigkas ng aming mga magulang, dahil hangad lang naman nila ang ikabubuti naming magkakapatid. Masaya na kami sa mga simpleng bagay. Laging ipinapaalala ng aming mga magulang na dapat makuntento sa kung ano ang meron at huwag ng maghanap pa ng wala. Magpasalamat sa kung ano ang biyayang ipinagkaloob at matutong tumanaw ng utang na loob. Batid namin na hindi kami ganoon kahirap, may kaya din naman kami pero lagi parin nilang pinapaalala sa amin ang bagay na yun. Bago pa kami maisilang na magkakapatid ay nakaipon at nakapagpatayo na sila mama at papa ng bahay. Nakatapos si mama sa larangan ng edukasyon samantalang si papa naman ay sa larangan ng pulisya. Strikto silang pareho lalo na sa usaping pag aaral. Lagi naming itinatatak sa aming isipan na dapat magampanan namin ng maayos kahit man lang ang pag-aaral bilang sukli sa kabutihan nila sa amin.

Sa gitna ng nakakabinging katahimikan biglang nagsalita si Papa. 'Almira, ano itong nababalitaan ko na itong panganay natin ay may sinisinta na?' kantyaw ni papa, bigla namang nabulunan si kuya habang tumatawa kami nila mama. Lumapit si ellaine sa kanya at inabutan ng tubig habang tinatapik ng maliit nyang kamay ang likod ng nakatatandang kapatid. Batid naming may kasintahan na si kuya ken ngunit ayaw nya munang ipaalam kay papa.

'Hayaan mo na, nasa wastong edad naman na itong si ken sa katunayan nga mas maaga ka pang nakipagligawan nuon' buwelta ni mama. Napahagikgik nalang kami habang pinapanuod sila. Tinaasan nalang ng kilay ni papa si mama habang tumatawa narin. Marami pang sumunod na mga tanong na si mama ang sumasagot dahil halos hindi na makapgsalita si kuya at parang sasabog na ang mukha dahil para na itong kamatis na namumula. Hindi malaman kung dahil ba sa hiya, kilig, o takot HAHAHAHA. Eto talagang si kuya may pagkatorpe hayst. Hindi naman sila humahadlang kung may mga dumadating sa buhay namin bilang isang kasintahan, pero hindi maalis sa amin ung palaisipan na may tamang oras para riyan, Ang nais namin sa ngayun ay matulad sa kanila. Bukod sa matagumpay na sila sa buhay ay nakatanggap pa sila ng biyaya ng isilang kaming lahat.

Pang Quarantine Lang! (on-going)Where stories live. Discover now