Kabanata 2

15 3 0
                                    

Nagising ako sa nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa bintana, napadako ang mata ko kay mama na hinahawi ang kurtina ng kwarto ko. Napalingon sya sakin at biglang nagsalita.

'Eleng ija gising kana pala. Ayusin mo ang iyong sarili may bisitang nag aantay sayo sa baba' ani nito na syang ipinagtaka ko. 'Anong oras na ba ito mama?' pagtatanong ko na syang tinugunan nya agad. 'Alas dyes na, dalian mo na jan at bumaba ka na.' tumango nalang ako bilang tugon at dumiretsyo nadin sa banyo. Matapos maligo ay bumaba na ako at agad kong nakita si ailene na syang ikinalaki ng mata ko. Mabilis akong bumaba at niyakap ito ng pagkahigpit higpit.

'Magandang umaga' -masiglang bati neto pagka kalas sa yakap. Imbes na tugunin ay tinanong ko ito.

'anong ginagawa mo rito gayung ang layo ng bahay mo tsaka ang daming mga bantay sa kanto?' sinulyapan ko ang kaniyang likod nagbabakasakali kung may kasama ba ngunit nabigo lang ako at napabalik ng tingin sa kanya.

'nagpahatid ako kay kuya Lourence, hindi rin biro mapapayag un jusko ang dami pang paawa effect ang kelangan' sininghalan ko nalang sya pero nagpatuloy parin ito sa pagsasalita at nakikinig lang ako. Si kuya Lourence ay nakatatandang kuya ni Ailene, magbestfriend din ang mga kuya namin at nakakatuwang isipin na kaya pala hirap mapapayag nun ay nais lamang nitong lambingin sya ng bunsong kapatid. Tumagal pa ang usapan namin hanggang sa  magkwento ito tungkol sa buhay pag-ibig nya ngayun. Ganun nalang ang gulat ko dahil parang kagabi lang nagmomove-on palang ito sa unang pag-ibig  ay may bago na agad, ibang klase.

'seryuso kaba jan?' natatawang singhal ko.

'wala namang masama kung susubukan hindi ba? kaya ikaw subukan mo na din' napataas ako ng kilay at sarkastikang natawa.

'alam mo ikaw bored ka lang kaya nagkakaganyan ka, hindi mo ba naisip na quarantine ngayun? Malay mo wala lang magawa sa buhay yang lalaking yan kaya naisipan kang pagtripan' iiling iling kong pagsabi. Nagkibit balikat nalang ito hanggang sa magdapit hapon na bago maisipang mamaalam. Inihatid ko sya hanggang sa gatee at emosyonal na yumakap at namaalam. Batid naming pareho na matatagalan muli bago kami magkita.

Lumipas ang ilang araw at nanatili lang akong nakakulong sa aking kwarto. Magcecellphone, matutulala, magui-guitara, manunuod, at higit sa lahat nakatanaw lang sa bintana. Pakiramdam ko sa tuwing nasisilayan ko ang ganda ng tanawin sa labas sa pamamagitan ng bintana sa aking silid ay hanggang tingin na lang ako. Na animo'y isa ng hawla itong kinalalagyan ko. Naisipan kong libangin ang aking sarili kaya inopen ko ang Instagram at  nagscroll lang ng nagscroll hanggang sa mapagod. Tinignan ko rin ang mga dm's at di na nagtaka ng sobrang daming chats na animo'y pinasabog. Inisa isa ko ang mga yun at natawa ng pabahagya hanggang sa may isang hindi pamilyar na ngalan ang pumukaw ng atensyon ko. Dali dali ko itong tinignan at gaya rin ng iba ang dami nitong dm. Inistalk ko syempre at aba englishero. Ang nakakapagtaka sino sya at bakit nya ako minessage ng pagkarami rami. Tinugunan ko ng question mark

To: Jester_Leak
????

wala pang ilang minuto nagvibrate na ang phone ko.

From: Jester_Leak

Finally, u noticed me. How r u?

To: Jester_Leak

Ahm, excuse me. Do i know you?

From: Jester_Leak

I'm Jester. Ailene's boy friend.

Pang Quarantine Lang! (on-going)Where stories live. Discover now