Epilogue

2 0 0
                                    

Aking minamahal na Kaibigan,

Kung nababasa mo man ang sulat na ito, ibig sabihin ay lumisan na ako at naipamalita na ni Ginang Jimenes ang nanalo sa patimpalak ng pagsusulat, ibinilin ko sa kanya na ihabilin sa iyo ang pagbibigay sa akin ng kwentong sinulat ko.

Paumanhin kung iniwan kita sa ere. Alam kong nasasaktan ka ngayon dahil ako man ay nasasaktan rin nang napagdesisyunan kong iwan kita. Pero sa tingin ko ay ito ang mas nakabubuti sa atin.

Oo. Mahal kita. Pero hindi na ito importante. At hindi ko ginawa ang lahat ng yun dahil lang mahal kita. Siguro may kaunting parte, pero lahat ay dahil isa kang mabuting kaibigan sa akin. At uunahin ko ang ating pagkakaibigan kesa sa pagmamahal.

Pero ang langit man ay may hangganan rin. Kagaya ng sarili kong parang kandilang unti unting nauupos laban sa apoy ng inggit, selos at inis.

Inggit, dahil lahat ng ginagawa mo sa akin noon ay sa kanya mo na ginagawa ngayon,

Selos, dahil inuuna mo na sya kesa sa akin,

At Inis. Dahil pinaramdam mo sa akin na pwede mo palang iwan at ipagpalit ang walong taong pagkakaibigan natin para sa isang babaeng tatlong taon mo pa lang nakilala.

Ang pakiusap ko lamang sa iyo ay wag mo nang gawin sa iba mo pang kaibigan ang ginawa mo sa akin, at maghanap ka ng bagong taong aalayan mo ng pagmamahal at panahon mo tulad nang ginawa mo kay JM, na tamang kaiinggitan ko lamang.

Salamat sa pagkakaibigan. Hanggang sa pagtagpuin muli tayo ng panahon.

J.M. Cervinio

EndedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon