KC.
Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.
So ito ang totoong nararamdaman ni Marco para sa akin?
Pero para sa akin nga ba?
Wait. Hangul Script!
체네 요 꼬사 야 데하 나 뻰타곤 빠라 꾸니까워
Chene yo kosa ya deha na pentagon para kunikawo
Nang mabasa ko ito ay agad akong bumaba papunta sa parking area
---
The Polygon Towers Manila
Pagkarating ko rito ay dumiretso ako sa elevator at pinindot ang 275th floor.
Ang pentagon ay ang penthouse nya-- namin, dito sa Polygon towers. Dito nya iniwan ang mensahe nya para sa akin ayon sa Hangul script.
Pagkalabas ko sa elevator ay mabilis kong i-ni-swipe ang key card ko.
Mabilis kong tinakbo ang sala chair at binuksan ito.
Doon ko natagpuan ang isang nakatuping papel na may pangalang nakasulat
Kenneth Christian Montero
At tumulo na nga ang kanina ko pang pinipigilang mga luha. Nang mabasa ko ang sulat.