Marc
Bro. Asan ka na?
Text sa akin ni KC
Malapit na. Traffic lang.
Napagkasunduan namin na manood ng sine ngayon. Mabuti at bumabawi na sya sa akin at sa ina nya. Gaya kahapon, nakipag-dinner sya with his family. At mukhang may mga pinaplano pa sya.
Papasok na ako sa may Cinema area, hinabaan ko talaga ang leeg ko para agad ko syang makita mula sa dagat ng tao. Premier kasi ngayon ng isang movie mula sa Cervinio Studios, isang sikat na Production worldwide.
Ang hindi ko alam ay pagsisisihan ko ang pagtaas ng leeg ko.
Nakita ko si KC sa snack area. Tatawagin ko na sana nya ngunit agad akong napahinto sa paglalakad nang makita kung sino ang kasama nya.
Jyra Mae.
Napalunok ako ng ilang beses habang pinipigilan ang mga luha ko.
Sana sinabi na lang nya sa akin. Maiintindihan ko naman..
Stupid martyr! Bakit nya sasabihin sa iyo. If I know humingi sya ng pera sa nanay nya para makapag-sine sila at ikaw ang ginawang alibi! Sabi ng demonyo sa utak ko.
Nagdidilim na ang paningin ko. Gusto ko na silang kumprontahin, pero hindi.
Sabi nga nila, Magselos ng naaayon sa Label. At kumompronta ng naaayon sa Level.
Never stoop down to a squatters level, you're not that low.
Bago pa man nila ako mapansin ay itinigil ko na ang pagvivideo at tumakbo na ako papuntang rooftop.
"Kuya Niel. Pwede po bang sunduin mo ako ngayon sa Rooftop ng ----- mall. Dalhin mo ang chopper." pagkatapos kong sabihin iyon ay ibinaba ko na ang tawag.
"Hello tita. Pwede po bang magkita tayo ngayon... Sa bahay po... No yung ancestral po namin... May importante lang po akong ipapakita... Ok po salamat..."
Nakakapagod na. Malapit na akong maubos. This is so tiring...
Pagod na akong pagtakpan at protektahan ka, KC. Oras na para malaman ni tita ang lahat.
Tama nga sila. A Love Without Limits only exist in Fiction.