Marc
Marcy. Trulity ba itong nasmell kong malansang isda? Na si GD at Concepcion ay nagbanana-split?
Yan ang message ni Tita Christina na bumungad sa akin pagkagising ko.
Yes tita. Mga 2 weeks na po. But I still suggest that you do note munang I ease ang Lockdown sa Andalucia. GD might still lurking around waiting to harvat datungs again.
Yes. Kinasabwat ako ni Tita. Ayaw na ayaw ni Tita kay Jyra Mae kaya eto. And to hell with this code texting. Nanakit ang ulo ko pero kailangan. Para di kami mabuko.
Medyo late ata ang informant ni tita at ngayon nya lang naamoy na nag-SPLIT na sila KC at ang Gold Digger.
Napatigil ako sa pagb-browse sa IG nang may kumatok.
"Marc. Pwede ba akong makitira muna dito?" bungad ni KC pagkabukas ko ng pinto, bakas sa mukha nya ang lungkot at stress.
"S-sure. Pasok ka," sabi ko at binuksan ng malawak ang pinto.
"Pasensya ka na... Temporary lang naman ito. Hanggang sa matanggap ko lang ang allowance ni mama. Kahit sa sahig na--"
"Ano ka ba! Tabi na tayo sa kama. Para ka namang iba." pagpuputol ko sa pagngangawa nya. "Dito mo na lang ilagay ang mga gamit mo. Okay? At pwede kang magtagal dito hanggang sa gusto mo."
---
"So... Bakit di ka nakapagbayad ng upa sa Condo mo?" usisa ko habang nakahiga kami ngayon sa kama.
"N-na-nakalimutan ko ehh..."
"Oh don't reason me with that KC. I witnessed how you precisely pay things before due date for almost 4 years already,"
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya bago dumating ang mahabang katahimikan na bumalot sa amin.
"Nakakabaliw pag in-love ka no? Para kang natatanga. Gagawin mo lahat para makuha at mapasayo sya," sabi ko
"Pag sa'yo talaga nangyari to bro. Tatawanan talaga kita ng malakas bago aluin," sabi nya na nagpangiti sa akin ng mapait.
"Mabilaukan ka sana pag tinawanan mo'ko," sabi ko at nagtawanan kami
Nabalutan kami ng isang nakakabingi at tensyonadong katahimikan. Isang sensitibong katahimikan hanggang sa sya mismo na ang bumasag nito.
"Bro... Parang di ko kaya... Masyadong masakit," sabi nya sa akin at narinig ko ang mahina nyang pag-hikbi
Nilingon ko sya. Kita ko ang repleksyon ng mumunting ilaw na nagmumula sa lampshade sa mga luha nya. Siniksik ko ang sarili ko sa kanya bago sya niyakap
"Sa una lang yan... Kakayanin mo yan. Nandito lang ako," sabi ko habang hinihimas ang likod nya, hinayaan ko sya na mas sumiksik pa sa dibdib ko at umiyak doon hanggang sa nakatulog sya
"Buti ka nga. Yan lang ang pinagdadaanan mo..." bulong ko nang maramdaman kong lumalim ang paghinga nya.
Naramdaman ko ang mga luha kong kanina pa gustong lumabas. Pinipigilan ko rin ang mga hikbi ko at kinokontrol ko rin ang paghinga ko para hindi ko magising si KC.
3 years KC. 3 years ko nang tinatago ang totoo kong nararamdaman sa'yo. 3 years na akong nagtitiis na makita ka kasama ng iba. Nagpapanggap na maging masaya at umiiyak ng mag-isa.
Nagdusa noon. Magdudusa ngayon.
Pero hindi ko alam kung hanggang saan na lang ako...
I'm already tired and this is still emptying me.
I am so invested in you that I forgot to invest for myself, and the fun part is...
...is that my investment didn't returned, not even a single drop.
And my self-funds are almost done...
Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na rin ako kakaiyak.