Marc
Nagising ako ng may maamoy akong mabango mula sa kusina ng condo ko. Wala na si KC sa tabi ko kaya naisipan ko na puntahan ang kusina since madadaanan ko rin ito papuntang CR.
At bumungad sa akin si KC na naka-apron at boxer shorts lang
"Oh Marc! Nagluto ako ng breakfast" sabi nya sabay pa-inggit ng perfect set of white teeth nya habang bitibit ang dalawang plato
Napangiti ako, "Sige. CR muna ako,"
Hindi mawala ang ngiti ko habang inaayos ko ang sarili ko, isa ito sa mga dahilan kung bakit ko sya nagustuhan. He's caring.
I remembered our first meet-up, We were in 8th grade that time.
Naglalakad ako sa may tabi ng volleyball court papuntang classroom, I'm trying to ignore every noise and gossip that is there until
"No!" lilingunin ko na sana ang pinanggalingan noon nang bigla kong naramdaman ang kung anong tumama sa ulo ko na nagpahilo sa akin
Kaso... Nawalan na sya ng time sa'kin, sa'min simula nang magkakilala sila ni Jyra Mae.
Wala naman talaga sa isip ko ang paghiwalayin sila ni Jyra.
Si tita ang nakiusap sa akin, napapansin kasi nya na bukod sa nagiging gastasero ang anak nya ay palagi rin itong stressed at puyat.
Siya kasi ang pinapagawa ng mga assignments at projects ni Jyra. At ang mas ikinagalit ni Tita ay nang isinugod si Kenneth sa hospital dahil sa ulcer.
Nalilipasan rin pala ito ng gutom sa di malamang dahilan. At ang kinagalit lang talaga ni tita dahil ni anino ng girlfriend ay di man lang nakita sa loob ng dalawang linggong pananatili ni KC sa Hospital.
"Kamusta?" tanong ko sa kanya na nagpatigil sa kanya sa pagkain
Bumuntong hininga sya bago nagsalita, "Still pained, pero sabi mo nga. Just live up your life. Kaya eto. Trying to be comfy,"
Nginitian ko sya. "Ok lang yan. Its just been two weeks. Pero... Sobra na ang 2 weeks absent mo. So tomorrow. You will be attending class, or I'll drag you,"
"Fine," Sabi nya at pilit na ngumiti bago sumubo ng pagkain
---
"... I want you to write a short story about friendship, the deadline is on 22nd and the best will be chosen and awarded on 29th." Sabi ng Prefect bago umalis
Is she keeping tabs on me? Why does she knew about what genre I'm in to right now?
Bhe. Kapal naman ata ng mukha mo no? Di nya alam. Natamaan ka lang talaga. Says my subconscious mind.
"Huy! Nakatanga ka?" tanong ko kay KC nang mapansin ko syang nagatungaga sa isang tabi.
"W-wala." sabi nya nang hindi ako tinatapunan ng tingin.
"Sure kang ok ka lang?"
"Hmm.." sabi nya at pilit na ngumiti sa akin.
Hmmm... Something fishy huh...