KC.
"M-mom... Did you freezed my black card?" nasa kalagitnaan ako ngayon ng pagbili ng pagkain sa isang fastfood chain nang malaman ko ito. Buti na lang at andito pa ang isa kong card-- na malapit na ring ma-maxed out
"Yeah. Sabi ko naman sa'yo kung ano ang kapalit ng black card mo di'ba?"
"But mom. Hiwalay na kami ni JM! Marc already proved that that girl is a gold digger!" pag angal ko. Nagmumukha na akong tanga rito kakasigaw sa headset mic.
"That's not what this video says. I'll send this to you para makita mo kung ano ang sinasabi ko," then binaba na nya ang tawag.
Ilang sandali pa ay tumunog na ang cellphone ko.
Damn.. This video.
This video is taken noong magsisine sana kami ni Marc. Oo nagkita kami ni Jyra doon. Ewan ko ba kung may sa stalker ang babaeng yun.
Sumulpot lang ba naman at sinabing willing lang daw syang makipag-balikan if kaya ko na daw bilhin ang coach purse nya.
At inagaw pa ang pagkaing binili ko para kay Marc!
Maybe nabulag ako sa pagmamahal sa kanya noon. Pero nung nakita ko na tahasan nyang nilandi si Marc nang makita ang mga mamahaling suot nito ay doon na ako nagising.
That she's no good than being a gold digger.
Mamaya ko na lang sya kakausapin.
"Tignan mo nga naman.. Nagfafastfood ka na lang ata... Wag ka kasi magpanggap na mayaman kung lahat naman pala ng suot mo ay hiram mula sa kaibigan." buti na lang at di ko pa tinanggal ang headset ko.
Useful talaga ang turo ni Marc sa akin.
"Hoy! Nakikinig ka ba?" tanong ni Jyra na nasa harap ko. Oo sya yung mamamahiya sana sa'kin. Kaso di ko pinansin.
"Miss.. Wag ho tayong mayadong maingay.. Nakakaistorbo po tayo sa ibang tao."
"Wala kang pakialam! May kinakausap ako!" singhal nya sa staff na sumita sa kanya bago ako binalingan ng tingin "Hoy! Ilabas mo nga ang kaibigan mo!"
"Sir.." tapik sa akin ng staff. Saka lang ako tumingala sa kanya-- gaya ng turo ni Marc.
"Yes?"
"Ahhm... Sir. Kilala nyo po ba ito si ma'am?" sabi nya sabay turo kay Jyra na mgumangawa habang hawak ng guard.
Napakunot ang nuo ko "No. Ngayon ko lang po sya nakita,"
"Ohhh.. Okay po.. Salamat!"
"How dare you! You social climbing jerk!--"
"Sir. Pakilabas na po sa kanya." sabi ng Staff sa guard.
Bumalik na ako sa pag-kain ko ngunit may naalala ako
"Hoy! Ilabas mo ang kaibigan mo!"
Ilabas ang kaibigan? Si Marc?
Mabilis kong idinial ang phone ko.
The number you have dialled is either unattended or out of coverage area, please try again later.
Huh??