Isang pagkakamaling nagawa,
Na kahit minsa'y di inakala.
Di lubos maisip na ito'y mangyari,
Pagkakamaling pagsisisihan ko sa huli.Ngunit, pagkakamali nga ba,
Ang aminin kong mahal kita?
Na ikaw lang at wala ng iba pa?
Hindi naman siguro diba?Sana mapatawad mo na ako,
Di ko naman sinadyang umamin sayo.
Gusto ko lang maging tapat at totoo,
Pero ito pala ang ikakasama ng loob mo.Siguro ito talaga,
Ang gustong mangyari ng tadhana,
Pinilit nyang pagtagpuin tayo,
Ngunit hinayaan nyang layuan mo ako.Salamat sa lahat ng masasayang ala-ala.
Na ating nabuo nung tayo'y magkaibigan pa.
Di na ako umaasang babalik pa ito.
Ayoko ng umasa sa isang bagay na malabong magkatotoo.(2018)
BINABASA MO ANG
Lipon Ng Mga Tula
PoetryAng mga tulang ito ay pawang kathang isip lamang at walang pinaghuhugutang kahit ano mang makatotohanang pangyayari.