Nandiyan ka na naman,
Nakatitig sa itaas ng kalangitan.
Iniisip ang sakit na iyong nararamdaman,
Kung bakit ikaw ay bigla niyang iniwan.Sa lahat ng problema ikaw ang karamay niya,
Sa bawat sandali kayo ang magkasama,
Siya ang dahilan ng mga ngiti sa iyong mukha,
At di naglaon ikaw ay nakaramdam ng kakaiba,
Mahal mo na pala siya.Inamin mo sa kanya ang totoo,
Dahil akala mo ganun din ang nararamdaman niya para sayo.
Ngunit nung ito'y sinabi mo ang kaniyang ekspresyon ay biglang nagbago,
At sa di inaasahan biglang lumayo ang loob niya sayo.Ngayon siyay naglaho na ng tuluyan,
Ikaw ay nagsisi sa iyong katangahan.
Pero may isang aral na tumatak sa iyong isipan,
"Hindi mo dapat hangaring maging KA IBIGAN ang iyong KAIBIGAN.(2020)
BINABASA MO ANG
Lipon Ng Mga Tula
PoetryAng mga tulang ito ay pawang kathang isip lamang at walang pinaghuhugutang kahit ano mang makatotohanang pangyayari.