Sa isang iglap biglang nagbago ang lahat,
Ang relasyon niyo na kay tamis ay biglang naging maalat,
Lahat ng mga tawa at ngiti ay napalitan na ng luhang sing dami ng dagat.
At ang pagmamahal niyo sa isa't isa ay di na naging sapat.May mga pangakong bigla niyo nalang nilimot,
Sapagkat ang inyong puso'y napuno na ng galit at poot.
May mga tanong sa isa't isa na di niyo masagot,
Sapagkat sakit at lungkot ang sa inyo'y bumabalot.Ngayon kayong dalawa'y nagsisisi
Sa lahat ng mga nangyari,
Pilitin nyo mang ayusin ang inyong relasyon ay di na maaari,
Dahil wala ng pagmamahal na sa puso niyo'y namumutawi.Napagdesisyunan nyong layuan ang isa't isa,
At bumuo ng bagong simula.
Kung saan kayo ay aasa sa isang SANA,
Na sa isang iglap ang puso nyong nawasak ay mabubuo pa.(2020)
BINABASA MO ANG
Lipon Ng Mga Tula
PuisiAng mga tulang ito ay pawang kathang isip lamang at walang pinaghuhugutang kahit ano mang makatotohanang pangyayari.