PAGTATAPOS

12 5 2
                                    

Sa araw na ito,
Magtatapos ang ating kwento.
Kuwento ng ating pagmamahalan,
Kuwento ng lahat ng ating pinagdaanan.

Sariwa pa sa aking ala-ala,
Kung paano tayo nagsimula.
Kung paano mo ako pinapatawa,
Sa tuwing malungkot ang aking mukha.

Dumaan ang araw, buwan, taon,
At nagkaroon ng lamat ang ating relasyon.
Ang dating saya at tuwa,
Ay napalitan ng lungkot at luha.

Kaya sa araw na ito,
Tatapusin ko na ang ating kuwento,
Upang makapagsimula na tayo ng bago,
Kung saan ikaw at ako ay di na konektado.

(2018)

Lipon Ng Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon