Langit, sa langit mo makikita ang mga tala
Tala, mga talang ang mga mata mo ang halimbawa,
Na kapag ang mga tala ay nagniningning binibigyan nito ng liwanag ang mundo,
At kapag mga mata mo naman ang tumingin sakin, bumibilis ang tibok ng puso ko.Ulan, sa bawat patak ng ulan ay may parte ng lupa ang nababasa,
Kagaya ng mga balikat kong sumasalo ng iyong mga luha.
Ngunit di alam ng isang langit na kagaya mo,
Na ang bawat pag ulan na iyong binibitawan ay nakakaperwisyo.
Oo, napeperwisyo na ako, nasasaktan na ako, dahil may gusto ako sa iyo at iba ang yong gusto.Ulap, sa bawat oras na magkasama tayong dalawa,
Parang nasa ulap ang aking nadarama.
Masaya ako, masaya ka, napapalibutan tayo ng mga ngiti at tawa.
Ngunit kailangan kong isipin na hanggang kaibigan lang tayong dalawa, hanggang dun lang at wala ng hihigit pa.Araw, ang liwanag ng araw ay sing liwanag ng iyong mga ngiti,
Mga ngiting namumutawi sa mala rosas mong labi.
Mga labi mong kay tagal ko ng minimithi.
Na kahit sanay makahalik man lang sa aking mga pisngi.Buwan, sa gabing madilim ito ang sentro ng liwanag,
Upang ang lupang katulad koy mabigyan ng aninag.
Kung walang buwan ay magdidilim ang mundo,
At kung wala kay wala ring patutunguhan ang buhay ko.Mundo, sa lahat ng bagay ito ang napaka mapaglaro,
Dahil bakit niya pa nga ba tayo pinagtagpo?
Bakit nya pa pinahintulutang maging sandalan natin ang isa't isa
Kung sa huli ay di rin naman magiging tayong dalawa?Oo, hindi magiging tayo, dahil hindi ko maabot ang isang langit na kagaya mo,
Dahil ako'y isang lupa na hanggang kaibigan lang para sayo.
Oo, langit ka at lupa lang ako,
Ang agwat natiy napakalayo
At kailanman ay hinding hindi magkakatagpo.(2019)
BINABASA MO ANG
Lipon Ng Mga Tula
PuisiAng mga tulang ito ay pawang kathang isip lamang at walang pinaghuhugutang kahit ano mang makatotohanang pangyayari.