BALANG ARAW

3 2 1
                                    

Balang araw makakalimutan din kita,
Magagawa ko ring mag isa ang mga bagay na nakasanayang gawin nating dalawa,
Makakalimutan ko rin ang lahat ng masasaya nating ala-ala,
At makakaya ko ring tahakin ang landas kung saan wala ka.

Balang araw, mawawala ka na rin sa aking sistema,
Malilimutan ko rin lahat ng sakit na dulot mong tangina ka.
Titigilan ko na ding maniwala sa mga pangako mong puro paasa,
Lalo na ang pangakong sinabi mo na "BABALIK KA".

Ilang araw, buwan, at taon di ang inasahan ko,
Para lang hintayin ang pagbabalik mo,
Ngunit hindi ka man lang nagpakita kahit ultimo anino.
At dahil doon, sinimulan na kitang tanggalin sa bawat parte ng pagkatao ko.

Isang araw dumating siya,
Ang taong naging dahilan ng paghilom sa lahat ng sugat na dulot mong gago ka.
Ngunit sa di inaasahan bumalik kang
nagmamakaawa,
Pinipilit akong iwan siya at balikan ka.

At dahil ako si tanga,
Muli na naman akong umasa.
Sumugal ulit ako sayong hayop ka,
At lahat ng balang araw ko ay nauwi sa wala.

(2020)

Lipon Ng Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon