Chapter 27

3.5K 162 4
                                    

A roundhouse kick blew away the heavy bag and shakes the ceiling off where it hooked firmly in a big chain. Isang malakas na suntok ang sunod na pinakawalan ni Vladimir matapos umugoy pabalik sa kanya ang heavy bag. Muli iyong tumilapon at umusok ang bahagi ng leather na tinamaan ng kanyang kamao.

Pinunasan ng lalaki sa likod ng kamay ang tagaktak na pawis sa kanyang noo at inayos ang suot na half-gloves. Muling hinanda ang mga kamao sa panibagong atake pero nahagip ng tingin niya si Glen na pumasok sa kambal na pintuan ng gym. May bitbit itong towel at jug ng tubig. Pinigilan niya sa isang kamay ang heavy bag na pumalo pabalik sa kanya at sinalubong ang asawa.

"Ay naku, basa na naman ng pawis itong shirt mo. Hubarin mo nga." Angal nitong hinahatak ang itim na sleeveless shirt na suot niya. "Huwag kang nasasanay na magpapatuyo ng pawis. Baka magkasakit ka niyan." Panenermon ng asawa at kinurot siya sa tiyan nang hindi pa rin siya gumalaw at nakatitig lamang sa maganda nitong mukha.

His beautiful sunshine. The bright colors of her cheeks are returning back and the glow in her eyes becomes even more attractive now after the bad storm. His time staying with her during those swift days taught him more about the values of a family. Love before self. Faith before life. Fidelity before success. When the society is busy going into manic frenzy of pleasures to mask the physiological exhaustion and psycho-spiritual weariness, she on the other hand only needs him.

He smiled. "I love you," hinapit niya ito at hinagkan. "I love you, steamed bud."

"Vlad," yumakap sa kanya ang asawa. "I love you. I love you so much, Vladimir."

The noisy cry of his dogs playing outside broke the sweet spell. Pinakawalan niya ang asawa at hinubad ang basang sleeveless shirt. Kinuha iyon ni Glen at isinampay sa balikat nito saka pinunasan sa dalang towel ang mukha niya pababa sa kanyang leeg, dibdib at likod.

"Sabi ni Mang Ponzo buntis daw ang girlfriend mong aso. Si Mazy? Nag-wonder tuloy ako kung sinong ama." Nakangiti nitong biro.

"Such prank early in the morning." He took the jug and snapped the cover. Inubos niya ang tubig na laman.

"Halos lahat ng pictures mo na nakikita ko ay kasama mo ang asong iyon. Yakap-yakap mo pa." Tumulis ang nguso nito.

"Nagseselos ka?" Natawa siya sa asawa.

"Kunti. Ang ganda kasi ng asong iyon. Siya siguro ang prinsesa ng mga aso." Humagikgik ito.

Binigyan niya ito ng mahinang pitik sa noo. "Wala kang talent magpatawa."

"At least I tried, ang hirap mo kayang patawanin. Para kang bugnuting matanda. Buti na lang ang gwapo-gwapo mo pa rin." Ingos nitong sinunggaban ang kanyang braso at kinagat. Pero bumitaw din kaagad at curious na tumingala sa kanya. "Oo nga pala, may nakita akong invitation doon sa desk mo. Para saan iyon?"

"Oh, that? From the supreme council for the multi-lateral collaboration of Andromida Conglomerate and its principal associates including the potential allies. They're giving tribute to the women behind the promising economic movers. Basically, that invitation is for you." Pinisil niya ang baba ng asawa.

Namilog ang mga mata nito. "Para sa akin?" bulalas nitong hindi makapaniwala.

Tumango siya. "But don't worry, it's not mandatory and there's still time for you to think it over. The council would likely call for a confirmation two days before the event."

He understood that she might not be ready to go back to her usual place in the community after recovering from her depression. Kahit ang pagbalik nito sa trabaho ay hindi pa nila napag-uusapan. Sa kasalukuyan ay siya muna ang tumatanggap ng update mula sa mga sumusubaybay sa construction ng home for the aged sa lungsod ng Baco.

NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon