Chapter 1

10.3K 249 22
                                    

Hinalungkat ni Glen lahat na mga dokumentong naitago niya at inipon sa ibabaw ng kanyang desk. Matapos tingnan ang oras ay muling natuon sa mga iyon ang kanyang mga mata at napako sa nag-iisang litratong nakuha niya mula sa kaibigan. Ang litrato ng lalaking may yakap-yakap na asong Shepsky. Bukod sa pagiging animal lover nito'y tiwala siyang sapat na ang karagdagang mga impormasyong mayroon siya para masimulan niya ang plano.

Dinampot niya ang litrato at huminga ng malalim. Vladimir Andromida. Anong klaseng lalaki nga kaya ito? Ang alam niya ay nagmula ito sa isang napakayaman at makapangyarihang angkan sa La Salvacion. Sa linya pa lamang ng makakapal na kilay ay halatang masungit ito at suplado. Pero marami na siyang nakasalamuhang tulad nito, minsan ay mas masahol pa. Ang ikinababahala niya ay ang nasa likod ng mga mata nitong kahit sa picture ay may kakayahang nakawin ang kaluluwa.

Isa siyang social worker na kasalukuyang nakadistino sa bayan ng Baco, Oriental Mindoro. Naging masidhing adhikain niya ang mapaunlad ang pamumuhay ng mga katutubong Mangyan doon. Nitong huli lang ay isang kompanya ang nagbabalak na bilhin ang malaking bahagi ng sakahan ng mga katutubo upang gawing golf course. Kapag natuloy iyon ay tiyak magiging sunud-sunod na ang mangyayaring development sa buong lugar at may posibilidad na tuluyang mawawalan ng tahanan ang mga Mangyan.

Wala siyang ibang maisip na paraan para tulungan ang mga ito kundi humanap ng taong may sapat na kapangyarihan at lakas upang maitaboy ang mapagsamantalang mga negosyante. Sumubok na siyang dumulog sa pamunuan ng probinsya ngunit matindi ang kapit ng kompanya sa malalaking mga politiko ng bansa.

Umahon siya sa kanyang upuan, bitbit pa rin ang litrato at nagtungo sa may bintana. Madilim na sa labas. Ilang poste ng ilaw sa kalsada ang nagbibigay ng liwanag at umabot doon sa opisina niya. Sana magtagumpay siya sa kanyang gagawin. Tingin niya'y nasa kamay naman niya ang mga kailangang baraha para makuha ang atensiyon ni Vladimir Andromida.

"Pasensya ka na kung sa ganitong paraan ako lalapit sa iyo," bulong niyang sumilip ang tipid na ngiti sa labi.

LA SALVACION, EDENA CITY

Kasalukuyang kausap ni Valdimir si Gabrylle tungkol sa huling operasyon ng organisasyon sa Mindanao. Binigay ng lalaki sa kapatid ang report na hiningi nito at kasama na ring inilatag ang mga susunod na hakbang ng Nephilims para sa tuluyang pagsugpo ng mga bandido.

"Drop at the Kaza if you have some free time. Jenni is asking for you," pahayag ni Gabrylle matapos pumasada ang paningin sa hawak nitong papeles.

"Later, I can't leave the command center with only those immatures tweaking our satellites. Rajive is throwing an experiment in the area right now and I doubt if he'll be over with it too soon." He replied leaning against his massive swivel chair. He shifted following a warning knock from the door. Nakaabang na ang mga mata niya nang bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa mga assistance officer.

"Paumanhin po sa abala, boss. Pero nasa labas po ang mag-ina niyo. Hinahanap po kayo." Ulat nitong nagpagulo saglit sa utak niya.

Mag-ina? Must be Jeneviv. Pero bakit sa kanya nakatingin ito at kung si Jeneviv iyon, hindi na dapat dumaan pa roon sa assistance desk sa ibaba.

"What's that again?" tanong niyang naging isang linya na lamang ang mga kilay.

"Nasa labas po ang mag-ina niyo." Ulit nitong klarong-klaro na siya ang kinakausap.

Nagkatinginan sila ni Gabrylle. Of all the idiotic shits he has by far today, this is the worst. Kailan pa siya nagkaroon ng mag-ina? Kailan ba siya may ikinamang babae o kahit may idini-date man lang? Hindi yata alam ng mga taong ito na kulang sa kanya ang biente kwatro oras para magawa niya ng maayos lahat ng reponsibilidad niya sa organisasyon. Wala siyang panahong lumandi.

NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon