Vladimir is smiling while listening to the noise outside the study room. Glen is running back and forth around the house since this morning to entertain their guest. Sinadya niyang huwag isara ang pinto para marinig kungsakali kailangan ng asawa ang tulong niya at hindi na naman ito mag-aabalang sabihin sa kanya. Mamayang alas-sais ng gabi ang kasal nila roon sa San Jose Parish sa bayan. Marami sa mga kakilala ni Glen at mga kaibigang Mangyan ang narito upang tumulong sa paghahanda sa open garden sa likod ng villa para sa gaganaping reception pagkatapos ng kasal.
"Sir, nandito na po ang bisita ninyo." Sumilip si Elmer sa pintuan.
Binawi niya ang paninging nakatuon sa monitor ng laptop at hinango ang sarili sa inuupuang swivel chair. Sinalubong niya ang kanyang bisita na lumitaw buhat sa likuran ni Elmer.
"Good to see you, Director Gray." He offered a handshake to the infamous regional director of NBI Region VII, Atty. Zerriko Gray.
"Likewise, Engineer Andromida. Thank you for giving us a swift ride." Tinanggap nito ang palad niya at hinapit ang asawang kasama. "I hope you don't mind that I brought with me, my wife."
"Not a bit," bumaling siya sa napakagandang babae. Virgou Ayala Gray. Hindi ito nakapunta sa tribute dahil sa aksidenteng kinasasangkutan ng matalik nitong kaibigan nang mismong araw ng event. Nagbigay lamang ito ng talumpati via zoom.
"Thank you for having us today, Engineer." Malamyos itong nagsalita at ngumiti. Inabot sa kanya ang palad.
"Don't mention it," hinawakan niya ang malambot nitong palad at banayad na pinisil. "It's me that's grateful for gracing my invitation. Come in." He ushered the couple inside the room and offered them the couch near the window.
Isang opisyal na usapin ang tatalakayin nila na may kinalaman sa dalawang lider ng teroristang nasa custody ngayon ng NBI Region VII. Dapat ay doon sa headquarters nila pag-uusapan pero naisip niyang anyayahan na rin ang director sa kasal niya kaya pinasundo niya ito ng chopper kanina. Alam niyang sumama ang asawa nito para personal na humingi ng paumanhin sa pamunuan ng Andromida Conglomerate dahil sa hindi pagdalo nito sa tribute.
"I believe these are sufficient pieces of information about the rats." He handed down the documents at the table in front of Zek.
Tumango ang lalaki. "I received the preview you've sent in my email last night." Tumango ito at sinilip ang mga papeles. "I'll talk to the national office immediately for the transfer of the suspects to your custody." Deklarasyon nitong nagtatagis ng mga bagang. "I was planning to give them a piece of my mind."
Ngumiti siya ng bahagya. Mukhang magkakasundo sila nito. This man has a harsh sense of justice similar to him.
"Is that your wife, Engineer?" Sumingit si Virgou na nakatingin sa gawi ng pintuan.
Naroon si Glen. Parang batang nakasilip. Kumaway agad ito sa kanya at ngumiti ng matamis. Pulang-pula na ang mukha nito dahil sa kakababad sa init ng araw mula pa kanina.
"Excuse me," paalam niya sa mga panauhin at nilapitan ang asawa. Inakay niya ito sa loob para ipakilala sa kanilang mga bisita. "My wife, Glen Andromida. These are Atty. Zerriko Gray and his wife, Mrs. Virgou Gray."
"It's nice to meet you." Nagpalitan ng halik sa pisngi ang dalawang babae. At maginoong nakipagkamay naman ang direktor kay Glen.
Tinangay ng asawa niya si Virgou sa labas upang mailibot sa buong villa habang naiwan sila ni Zek para ituloy ang maselang usapin.
"Kumusta ang recovery ng mga biktima?" He gripped the arm of the chair.
"They are at our facility. Kasalukuyan silang isinailalim sa stress debriefing." Isa-isang dinampot ng director ang mga dokumento at mabilis na pumasada roon ang mga mata nito. "Your brother Gabrylle offered me a hospital in La Salvacion for the treatment of the victims."
BINABASA MO ANG
NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)
RomanceHe is a formidable boss. She is a tough virgin. His devotion to the cause of his clan knows no bounds. Her advocacy for the Mangyan people is remarkable. A man who will put his family above his desire. A woman who is willing to do anything to defend...