Simula

6 1 0
                                    

***

Sumilay agad ang ngiti sa mga labi ko nang makarating ako sa hilagang parte ng pader. Dito ang pinag-usapan namin na lugar para magkita.

Alam kong lahat ng namamagitan sa amin ay bawal, dahil isa iyon sa patakaran ng mundong kinabibilangan namin.

Pero wala na talagang magagawa ang lahat kapag ang pagibig na ang naramdaman ng bawat nilalang. Madaling sumugal pero mahirap bawiin ang lahat ng nasimulan na.

Malakas ang ihip ng hangin at parang sumasayaw ang kasuotan ko pati na rin mahaba kong buhok.

Nag-gagandahan ang mga iba't-ibang bulaklak na nakapalibot kung nasaan ako, matatas din ang mga puno at maririnig mo ang huni ng mga ibon.

Talagang walang makakatalo sa ganda ng kalikasan. Kahit yata maging totoo ang mga dyosa ay di parin nila matatalo ang taglay na ganda ng kalikasan.

Inilagay ko ang takas kong buhok sa likod ng tenga ko at luminga sa paligid, nagbabakasakaling nandito na sya at tinataguan na naman ako.

Pero wala akong nakita kundi ang mga puno, bulaklak at ang mataas na pader lang.

Kahit kailan ay hindi sya nahuli sa mga pagkikita namin. Ano naman kayaang nangyari ngayon at mukhang mahuhuli sya ng dating.

Nilingon ko ang bungad ng kagubatan nang may makita akong paggalaw doon. Agad na lumawak ang ngiti ko sa pag-aakalang sya na ang dumating.

"Helios, anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa lalaking lumabas mula sa kagubatan.

Deretso syang naglakad papunta sa harap ko at hinawakan ang kamay ko para hilahin papasok sa kagubatan, papunta sa sentro ng hilaga.

"Helios, bawal ako ngayon sumama sayo dahil magkikita kami ngayon ng lalaking mahal ko" sabi ko at hinigit ang kamay ko.

"Kailangan mong umalis agad sa lugar na ito akeldama" aniya na nakatitig sa mga mata ko.

"Bakit? May problema ba?" kunot-noong tanong ko.

Hindi sya sumagot at hinigit ulit ang kamay ko para pumasok sa kagubatan. Naging mabilis ang paglalakad nya kaya halos patakbo na ako para makasunod sa lakad nya.

"May problema ba helios? Bakit kailangan kong umalis? Bawal akong umalis dito dahil may usapan kami" ilang beses kong hinigit ang kamay ko pero mas naging mahigpit lang ang hawak nya doon.

Hindi talaga ako makawala sa hawak nya kaya nagbago ako ng anyo para makawala. Hinarap nya agad ako dahil doon.

"Dapat hindi kana pumunta pa dito akeldama, ipapahamak mo lang ang iyong sarili" seryoso ang mukha na sabi nya

Nag-anyong tao ako at takang tumingin sa mga mata nya. Pag-aalala at takot ang nakikita ko doon.

"Ano ba kasing nangyayari? Sabihin mo naman sakin" may halong pagmamakaawa ang boses ko.

Mukha namang nagdalawang isip sya kung sasabihin ba nya ang nalalaman nya. Hinawakn ko ang kamay nya at nagmamakaawang tumingin sa kanyang mga mata.

"Helios.."

"Hindi totoo ang pagmamaha—-"

Naputol ang sasabihin nya nang makarinig kami ng mga kaluskos at mga tunog ng mga halaman na para bang maraming mga yapak ang umapak doon.

Agad akong inilagay ni Helios sa likod nya. Naging alerto ang mga mata nya na lumilinga sa paligid.

"Kahit anong gawin mo hindi mo sya magagawang maitakas mula sa amin"

FACTION SERIES 01: The Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon