3

1 1 0
                                    

KAKAIBANG PAKIRAMDAM

Hindi maalis sa aking isipan ang imahe ng bampirang nakita ko kanina. Hindi din naabala ng malamig na hangin o kahit ng buwan ang mga iniisip ko.

Bakit ganun nalang siya kung makatingin. Wala naman akong maalala na may nagawa akong masama sa isang bampira kaya hindi ko maisip kung ano ba ang problema niya.

"Sino ba talaga sya?"

Natigilan ako sa pag-iisip nang lumingon sa akin ang anyong lobong si Cali at doon ko lang napagtanto na nasabi ko pala ang iniisip ko.

Agad akong umiling at hinalos ang balambot nyang balahibo para iparating na wala lang iyong binanggit ko kanina.

Pinalis ko ang iniisip at itinuon sa paligid ang paningin. Madilim ngayon sa loob ng kagubatan pero hindi naging hadlang ito dahil nakakakita kaming mga lobo kahit sa kadiliman.

Nasa hilaga parin kami at hindi pa nakakarating sa sentro nito. Payapa ang kagubatan na para bang nagpapahinga ang kalikasan para magbigay muli ng kagandahan kinabukasan.

Palapit na kami sa sentro nang may marinig kaming kaluskos na agad ikinatigil nila Jacob. Agad akong umalis mula sa pagkakaupo kay Cali na agad akong tiningnan na mukhang nagrereklamo dahil sa pag-alis ko.

Inilibot ko ang paningin ko pero wala akong makita na kahit anong nilalang. Maaaring nagtago ito sa mga puno.

"Mufasa, magpalit kayo ng anyo at maging handa" utos ko sa kanilang tatlo na agad nilang sinunod.

Nagkanya-kanya silang nagtungo sa likod ng mga puno at nagpalit ng anyo. May inilagay ang mga lobo na kasuotan sa lahat ng puno sa oras na magpapalit kami ng anyo.

Patuloy ko lamang inililibot ang paningin dahil mas lumalakas ang kaluskos pero wala talaga akong nakikita. Lumabas sila Cali mula sa mga puno at pare-parehong alerto.

Parehas na nakapantalon lamang si Cali at Jacob habang si Mufasa naman ay nakasuot ng bestidang kulay asul na umaabot sa gitna ng kanyang hita.

Hindi kami gumawa ng kahit anong ingay ngunit nabigla kami nang may biglang sumugod kay Jacob na agad din nyang nilabanan.

Sunod-sunod na lumabas ang mga nilalang na hindi ko mawari ang lahi dahil iba-iba ang kulay ng kanilang mga mata. Mayroong itim, asul at berde.

Ano ang kanilang mga lahi? Ngayon ko lang nakita ang mga matang iyan.

Abala ako sa paglaban sa isa sa kanila kaya hindi nagawang mapansin ang lalaki mula sa aking likod na humili sakin at hinawakan ang magkabila kong braso.

"Akeldama!!" rinig kong sigaw ni Cali.

Agad akong umiling sa kanya dahil nawawala na ang konsentrasyon nya sa kanyang kalaban kaya nagagawa na nitong tamaan si Cali.

Parehas na lumingon sa akin si Mufasa at Jacob pero kapwa silang walang magawa dahil  may kanya-kanya silang nilalabanan.

Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak ng lalaki sa mga braso ko pero ramdam ko ang pagiging malakas nya dahil hindi ko magawang tumakas sa kanya.

Natigil ang balak kong pag-apak sa paa nya nang may matalim na bagay akong naramdaman sa bandang leeg ko.

"Don't move or I'll kill you" matigas ang boses na sabi ng lalaki.

Hindi maintindihan ang lengguwaheng ginamit nya. Ano ba talagang klaseng nilalang sila?

Nilingon ko si Cali na bakas ang pag-aalala sa mukha. Gusto nyang lumapit sa kinaroroonan ko pero inilingan ko sya dahil isang maling galaw lang ay alam kong hindi maganda ang pwedeng gawin ng lalaki sa likod ko.

FACTION SERIES 01: The Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon