5

1 1 0
                                    

NAGBABAGANG APOY

Pinagbawalan akong lumabas mula sa Timog dahil sa nangyari ng gabing iyon, natatakot sila papa na maulit pa ito.

Naging mas mahigpit din ang ginawang pagbabantay sa Timog, kung sakaling totoo nga ang hinala naming nagkalat na ang mga nakapasok sa aming mundo.

Tatlong araw na ang nakakalipas nang mangyari ang gabing iyon ngunit parang sariwa parin sa mga aking mga kalahi kaya pinagbawalan din nilang lumayo mula sa kanilang bahay ang mga paslit.

Sa mga nagdaang araw ay nasa loob lang ako ng bahay o kaya naman ay nasa bahay ni Jacob katulad ngayon. Kaming apat muli ang magkakasama, ngunit alam kong nasa paligid lang si Logan — isa lobong naglilingkod rin sa Timog.

"Pwede bang paalisin nalang natin si Logan? Naiilang ako na may nanonood sa mga galaw natin" rinig kong sabi ni Mufasa

Tumango ako sa kanyang sinabi at nilingon si Cali na umiling sa amin.

"Hindi natin pwedeng gawin iyon dahil sigurado akong malalagot si Logan kung wala syang masasabi kay papa tungkol sa atin" ani Cali.

"Hayaan nyo nalang" sabi ni Jacob.

"Kung papasokin din kaya natin sya? Matindi ang sikat ng araw sa labas kaya nakasisiguro ako na masakit ito sa balat" sabi ko.

"Akeldama, tungkulin ng isang tagapaglingkod ang magtiis. Sinanay ang mga ito upang lumaban" naiiling na ani Cali.

"Ngunit nakakailang na may nanonood sa atin" reklamo ni Mufasa.

"Edi ikaw ang umalis dito para hindi ka mailang"

Walang sumunod na nagsalita at natahimik sa loob ng bahay ni Jacob. Napalingon ako kay Jacob nang huminga ito ng malalim.

Nagtaka ako nang tanggalin nya ang mga plato na may laman na pagkain sa maliit na lamesang nasa harapan namin.

"Jacob, hindi pa ako tapos kumain" nakangusong reklamo ko.

"Mamaya mo na ipagpatuloy ang pagkain mo" anito nang mailagay na ang mga plato sa isa pang lamesa.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Tatlong segundo"

"Huh? Anong tatlong segundo?" kunot noong tanong ko.

"Tatlong segundo bago mag-away ang dalawang iyan" baling nya kina Cali.

Napalingon ako sa mga ito at nakitang masama ang titig ng dalawa sa isa't-isa. Ito na naman tayo.

"Tatlo.."

Lumipat ako ng upo sa tabi ni Jacob nang magsimula na itong magbilang.

"Dalawa.."

"Isa"

Biglang tumaob ang maliit na lamesa nang banggitin na ni Jacob ang huling numero.

"Eh kung ikaw kaya ang umalis? Anong karapatan mo na paalisin ako dito?!" singhal ni Mufasa.

"Ama ko ang pinuno dito kaya may karapatan ako!" singhal ni Cali pabalik kay Mufasa.

Kinuha ko nalang ang pagkain namin ni Jacob at magkatabing kumain habang patuloy parin sa pagdedebate ang dalawa tungkol sa karapatan.

Hindi talaga mabubuo ang isang araw na walang nagbabangayan sa kanilang tatlo. Ewan ko ba at laging kasama si Mufasa sa kaguluhan nila.

"Maayos na ba ang braso mo?" baling ko kay Jacob.

"Unti-unting umaayos na din naman, may kaunting kirot nga lang akong nararamdaman sa loob" sagot nito.

"Bakit? Maayos naman ang pagkakagamot ko sa sugat mo ah" kunot-noong sabi ko at sinuri ang braso ni Jacob.

FACTION SERIES 01: The Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon