4

1 1 0
                                    

ANG PINAKABATANG PINUNO

"Depende kung tama ang aking hinala"

Wala sa sarili akong napalunok dahil sa paraan ng kanyang pagtitig, para bang hinihigop nito ang loob ko kaya naging mabilis ang pagtibok ng aking puso.

Nag-aalinlangan ako kung papayagan ko ba syang gawin ang nais nya. Kadalasan ay mga dugo ng tao ang nais nila ngunit bakit ang nais ng bampirang ito ay ang dugo ko.

Mas naguluhan din ako sa kanyang huling binanggit. Anong hinala?

Tumitig ako sa kanyang mga matang patuloy parin ang pagniningas, bakas ang pagod doon at makikita mo din ang pagpipigil.

Huminga ako ng malalim bago mabagal na tumango.

Nais ko mang umayaw ngunit gusto kong maging agaran ang kanyang paggaling, ako ang dahilan kung bakit natamo nya ang ganoong sugat kaya ako din ang may responsibilidad sa kanya.

Mas nagningas ang mga mata nya nang dumapo ang kanyang palad sa pisngi ko. Bahagya nyang itinagilid ang aking ulo bago dahan-dahang inilapit ang kanyang ulo sa aking leeg.

Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng aking puso habang nakikita ang unti-untimg paglapit nya. Gusto kong umayaw dahil sa kakaibang nararamdaman ko sa aking dibdib ngunit may naguundyok din sa akin na ipagpatuloy ito.

Para bang tumigil ang pag-ikot ng mundo nang maramdaman ko ang kanyang dila sa aking leeg. Bigla akong nakaramdam ng parang kuryenteng dumaloy sa aking katawan.

Wala akong nagawa kundi ang kumapit sa kanyang balikat upang doon kumuha ng lakas.

Natigilan ako nang maramdaman ang kanyang pangil sa balat ng aking leeg, malamig at matutulis ang mga ito.

Mas tumindi ang pagniningas ng aking gintong mga mata nang maramdaman kong idiniin nya ang pagkakakagat. Alam kong wala pa sa kalahati ang naipasok nya pero ramdam ko na ang kirot sa aking leeg.

Hinawakan nya ang aking kamay at marahang pinisil iyon, para bang nagpapaalam ito na mas ididiin nya pa ang kanyang pangil.

Pinisil ko ang kamay nya upang ipahiwatig na maaari nyang gawin ang gusto nya.

Naramdaman ko ang pagngisi nya sa aking leeg. Hinawakan nya ng mahigpit ang aking kamay bago unti-unting idiniin ang kanyang pangil.

"Akeldama!!"

Naputol ang aming ginagawa nang itulak ko ang bampira dahil sa narinig na pagtawag sa akin ni Cali sa di kalayuan.

Agad akong tumayo at hinanap sila. Tumatakbo sila papunta sa kinaroroonan ko, nag-alala pa ako nang makita ang nagdurugong braso ni Jacob.

Tumakbo ako palapit kay Jacob at tinignan ang kanyang natamo, katulad din ito ng nangyari sa bampira.

"Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?" may bahid ng pag-aalala sa aking boses habang sinusuri ang natamo nya.

"Ayos lang ako, huwag kana mag-alala gagaling din naman ito" may ngiti sa mga labi ni Jacob pero bakas parin ang sakit sa mukha nito.

"Natamaan sya ng taong iyon" sabi ni Mufasa.

"At nakatakas pa ang hangal na iyon"

Nabaling ang atensyon ko sa sinabi ni Cali. Nakaramdam ako ng kaba para sa mga nilalang na nasa mundo namin, mas lalo na't pwedeng makapatay ang taong iyon dahil may hawak syang armas.

"Sabihin natin kay papa ang nangyari upang mas humigpit ang bantay sa lahat ng parte ng pader" ani ko.

"Mas mabuti ngang ganun ang gawin natin" tumatangong sabi ni Cali.

FACTION SERIES 01: The Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon