1

7 1 0
                                    

SIMULA

Mga gusaling gumuho

Mga nagtataasang puno na halos takpan na ang bughaw na kalangitan

Mga uwak na maririnig mo kung saan-saan

Mga mababangis na hayop na makakasalamuha mo sa loob ng kagubatan

At ang mataas na pader na naghihiwalay sa mundong aking kinabibilangan at mundo ng mga tao na kami ay kinasusuklaman

Halos araw-araw akong nakatitig sa pader na naghihiwalay sa dalawang mundong hindi magkasundo. Nagtataka kung ano nga bang meron sa kabila nito at kung gaano nga ba kabubuti ang mga nilalang sa kabilang mundo para isipin na kami ang laging masama.

Ang Difforia ay nahahati sa tatlong faction. Ang witches, werewolves at ang
vampires. Hindi magkasundo ang lahat dahil may iba't-ibang paniniwala at dahil na rin sa nangyaring digmaan ilang taon na ang nakakaraan.

At ang mas nasasangkot sa mga kaguluhang ito ay ang werewolves at vampires.

Lahat may pakinabang sa aming mundo. Ang mga witches ang naatasan sa paglalagay ng mahika na poprotekta sa aming mundo. Ang mga werewolves ang nagbabantay sa Hilaga at Timog na bahagi ng pader. At ang mga vampires naman ang nagbabantay sa Silangan at Kanlurang bahagi.

Bawat faction ay may pinuno upang mapanatili ang kaayusan at pantay-pantay na karapatan ng bawat nilalang na pinamumunuan nila.

Mga tunog ng uwak at tunog ng mga halaman sa puno lamang ang naririnig ko habang nakatingin sa mataas na pader ngunit agad akong naging alerto nang may marinig na kaluskos.

Agad na nagliwanag ang kulay ginto kong mga mata at mas tinalasan ang aking pandinig at pang-amoy.

"Lumabas ka at ipakita mo ang iyong sarili" ani ko. pinakikiramdaman ang kapaligiran.

Mas lalong lumakas ang mga kaluskos at alam kong malapit lang sa akin ang kung sino mang nilalang na iyon. Parang bang pinaglalaruan lang ako.

Umayos din kaagad ako ng tayo at umupo nalang muli sa damuhan paharap sa mataas na pader nang magpagtanto ko kung sino ang may gawa ng mga kaluskos

"Cali lumabas kana, alam kong ikaw 'yan" malakas ang boses na sambit ko

Natatawa namang lumabas sa pinagtataguan nya ang kakambal kong lalaki.

"Mahusay, mukhang may pakinabang naman ang page-ensayo mo" tatawa-tawang ani nya at umupo sa tabi ko

"Malamang kailangan kong gamitin 'yun, ayoko namang magmukhang mahina sa harap ng mga kalahi natin mas lalo pa't isa ako sa anak ng kanilang pinuno" sambit ko na wala sa sariling nakatingala, tinatanaw kung hanggang saan ang taas ng pader

"Hmm.. sabagay isa nga namang kahihiyan kung mahina ang anak ng pinuno ng mga lobo" naiiling na ani nya

"Napakayabang mo talaga Cali" nakangusong irap ko.

"Ano? Nagsasabi lang naman ako ng totoo" nakangising aniya.

"Ewan ko sayo Cali" pagtataray ko "Bakit ka nga pala nandito?" takang tanong ko dahil ang alam ko ay di sya nagtutungo dito sa hilagang bahagi.

"Pinatatawag kana kasi ni Papa, kanina kapa kaya hinahanap ni Mama" sagot nya kaya naalala ko ang dapat naming gagawin ni Mama ngayon.

"Oo nga pala! Tuturuan ako ni Mama kung paano umakto bilang babaeng-babae" ngiwing sambit ko ng maalala iyon

"Oh bakit mukhang ayaw mong matutunan yun?" kunot-noong tanong nya

"Hindi ko alam pero mas gusto kong makipaglaban kaysa umaktong babaeng-babae at maghihintay lang ng magliligtas sa akin kung sakali mang may mangyaring masama katulad ng digmaan na naganap noon" nakahalukipkip kong sagot.

"Hindi naman masamang matutong makipaglaban pero kailangan mo din matutong kumilos bilang babae dahil di magtatagal ay makakahanap kana din ng iyong mapapangasawa" opinyon ni Cali.

"Masyado pa akong bata para isipin ang pag-aasawa" aniko

"Siguro ay gusto na nina papa na mag-asawa kana" natatawang sabi ng kakambal ko "tsaka dalamput-apat na taong gulang kana, pwede na mag-asawa ang ganyang edad" dugtong nya.

"Ayoko pa, tsaka wala naman akong nahahanap na lalaking lobo na mamahalin ko" nakangiwing sabi ko

"Nandyan naman si Jacob" asar nya.

Hindi na lang ako sumagot dahil alam kong mas hahaba pa ang usapan kung dudugtungan ko pa ang sinabi nya.

Si Jacob ay kababata namin at kasalukuyang tumutulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa Timog. Ayokong makatuluyan sya dahil parang kapatid na din ang tingin ko sa kanya.

"Tara na at baka malagot din ako kay Mama dahil ang tagal kitang masundo" sabi nya at pinagpagan ang pantalon na suot.

Ayoko pang bumalik mas gusto ko dito dahil napakasariwa ng hangin kaya ang sarap sa pakiramdam. Kailangan kong mag-isip para mapatagal pa ako dito.

"Cali, Ano kayang nasa kabila ng mataas na pader na 'to?" biglang tanong ko

"Iniiba mo ang usapan Akeldama" naiiling na aniya kaya nginitian ko sya ng matamis

"Mamaya na kasi tayo bumalik, Napakasarap sa pakiramdam dito e" pamimilit ko na mukhang umipekto naman dahil naupo na ulit sya sa damuhan at tumingin sa pader.

Natahimik kami ng ilang segundo bago binasag ni Cali ang katahimikan.

"Ang sabi nila lolo ay delikado daw sa kabilang parte ng pader na 'yan, naalala mo pa noong may isang werewolf at bampira ang tumawid dyan?" Tanong nya na tinanguan ko.

"Uh-huh, hindi na sila nakabalik at wala kahit sino man sa atin ang nakakaalam kung anong nangyari" sagot ko.

"Maaaring buhay pa sila pero mas malaki ang tyansa na patay na dahil malulupit daw ang mga tao sa kabilang parte ng pader, pero takot daw ang mga ito sa atin." Natatawang sambit nya.

"Pero mas nakakatakot sila dahil wala silang awa pagdating sa atin" malungkot kong ani.

Tinapik ni Cali ang balikat ko at ginulo ang aking buhok.

"Kaya ayokong tumawid ka din sa pader na iyan akeldama, ikaw lang ang nag-iisa kong kapatid at ayokong mawala ang kakambal ko" nakita ko ang lungkot sa matang kambal ko kaya nginitian ko sya ng matamis.

"Pinapangako ko sayo na hindi ako tatawid sa pader na 'yan Cali, gusto kong kasama kayo na pamilya ko at aking mga kalahi" nakangiting ani ko para mawala ang sakit sa mata ng kakambal.

Nanatili kami doon saglit, nagkwentuhan at nagbiruan habang pinapanood kung gaano kaganda ang kapaligiran.

"Tara na, baka kanina pa tayo hinahanap" pag-aaya ko dahil ayokong masermunan, siguro ay lalambingin ko nalang si mama.

"Paunahan makauwi?" Nakangising hamon ni Cali na tinanguan ko kaagad ngunit agad syang nagbago ng anyo at tumakbo na agad

"Napakadaya mo talaga Cali!" Sigaw ko at kasabay nun ay narinig ko ang alulong ni Cali. Nang-aasar.

Napanguso ako at nagbago na din ng anyo at humabol ngunit hindi pa man ako gaanong nakakalayo ng may makita akong gumalaw sa itaas puno.

Tinignan ko kung ano ang nandun at nagulat ng may makita akong isang lalaking nakaupo sa isa sa mga sanga ng puno at nakatingin sa mataas na pader.

Paano sya naka-akyat doon? Eh sobrang taas ng mga puno.

Muntik na ako mapatakbo sa gulat ng bigla nyang ilipat ang tingin sa akin. Dun ko nakita ang kulay pula nyang mga mata na nakatingin sa kulay ginto kong mga mata.

Ilang segundo kaming nagkatitigan hanggang sa bumaba sya ng puno at lumapit sa akin habang nakakunot ang noo tila inoobserbahan ako. Nanatili akong nakatayo doon at tinatapangan ang loob ko.

Ilang segundo nya pa ako tinignan at bigla nalang nawala sa harapan ko. Nakita ko ang paggalaw ng ilang sanga at dahon ng puno na para bang may napakabilis na nilalang ang dumaan dito.

Napailing na lang ako at tumakbo na pauwi at doon ko naalala ang pulang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa akin kanina....

Anong ginagawa ng isang bampira sa hilagang parte ng pader.

FACTION SERIES 01: The Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon