6

3 1 0
                                    

ANG BLEUIA AT BALON

Natupad ang nais ni papa na dagdagan ng tagabantay ang lahat ng bawat parte ng pader. Nagbigay ang Hilaga ng mga kawal upang tumulong sa pagbabantay ng mga pader.

Kagabi lang nangyari ang pagpupulong at naaksyonan na agad nila ang problema.

Bumalik na din sa pagiging masigla ang Timog. Maraming paslit na ang naglalaro sa sentro at paanan ng burol.

Ngunit hindi ko magawang maging masigla katulad nila dahil sa magulo kong isipan. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa ipinagkaloob na responsibilidad sa akin.

Pinanghihinaan ako ng loob dahil sa tingin ko ay hindi ako karapat-dapat bigyan ng ganitong kakayahan.... ang maging tagapagbantay ng isang mahika o kapangyarihan.

Hindi gaanong nalinawan ang aking isipan dahil bigla nalang naglaho si Helios matapos nyang banggitin ang mga kaunting pinaalam nya sa akin.

Alam kong marami pa akong kailangang malaman at patunayan. Kailangan ko pang magsanay upang magamit ng maayos ang kakayahang pinagkaloob sa akin.

Ang mga halaman namin sa hardin ang ginamit ko upang magsanay. Nagawa kong buhayin ang mga patay na halaman, hindi ko pa sinusubukan ang pagcontrol sa mga ito dahil natatakot akong magkamali.

Ayokong makapaminsala.

Si Helios ang tanging kailangan ko. Tama nga sya, kakailanganin ko ng kanyang gabay at alam kong hindi lang tungkol sa pagcontrol sa kapangyarihan ang maituturo nya sa akin.

"Kanina kapa riyan, wala ka bang balak pumasok sa loob?"

Agad kong isinara ang mga palad kong nakatutok sa isang patay na halaman nang marinig ang boses ni Cali.

"Papasok na rin ako mamaya, mauna kana sa loob" nakangiti sabi ko, itinataga ang kabang naramdaman dahil sa biglaang pagsulpot nito.

"Sasamahan na muna kita dito" anito na umupo sa isang upuang gawa sa kahoy.

"Madilim na dito, kaya mas makakabuting pumasok kana" pagtataboy ko.

"Mas mabuting manatili ako dito upang mabantayan ka, baka may bigla nalang sumugod dito at atakihin ka" ayaw magpatalo nito.

"Ayos lang ako dit—"

"May itinatago kaba?" putol nito sa sasabihin ko.

Nakaramdam agad ako ng kaba, alam kong walang maitatago sa mga mata ni Cali kaya alam kong malalaman nya din ang lahat, mas lalo na't kambal kami kaya mayroon kaming koneksyon sa isa't-isa.

Ngunit hindi ko alam kung pwede ko nga bang sabihin ang tungkol sa kapangyarihan na pinagkaloob sa akin. Kailangan ko pang humingi ng permiso kay Helios.

Agad akong umiling dito. Kailangan kong magmukhang normal para maiwasan na ang kanyang paghihinala.

"W-wala! Bakit mo naman natanong?" puno ng kaba ang pagtawa ko.

"Nang makabalik ka kahapon sa bahay ni Jacob ay napansin kong nagiging balisa ka, lagi ka ring tumitingin sa iyong mga palad"

Talaga ngang walang makakatakas sa mga mata ng aking kakambal. Ayokong magsinungaling ngunit ayun ang makabubuti ngayon.

"Nagkaroon ba ng problema tungkol sa iyong mahika?" bakas ang pag-aalala sa boses nito.

"Walang problema, maayos kong nagagamit ang aking mahika" sagot ko.

Tumitig naman ito sa aking mga mata na para bang sinusuri ako. Matamis ko syang nginitian para iparating na maayos lang ako.

Tumayo ito at naglakad papalapit sa akin bago ako inakbayan. Nakatingin parin ang mga mata nya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FACTION SERIES 01: The Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon