2

4 1 0
                                    

MULING PAGKIKITA

Tuwid ang tindig

Magmukhang presentable

Pumili ng mga magagandang kasuotan

At umaktong prinsesa

Ayan ang ilan sa mga paulit-ulit na tinuturo sa akin ni Mama. Ang dahilan nya ay para magmukha talaga akong anak ng isang pinuno.

Ngunit kabaliktaran ito ng gusto kong matutunan.

Gusto kong matutong makipaglaban katulad ng itinuturo kay Cali. Mas gusto kong protektahan ang pamilya at kalahi ko kaysa umaktong prinsesa.

Ayokong magmukhang mahina.

Napabuntong hininga na lang ako habang tinutulungan ako ni mama isuot ang isang kasuotang kasing kulay lang ng aking balat na umaabot sa talampakan ko ang haba at may mga maliliit na nakadikit na batong kumikinang.

"Mama napakasikip naman nitong kasuotan" nakangusong reklamo ko dahil mas sinisikipan pa nya ang damit.

"Tiisin mo lang anak, para mas makita ang magandang hubog ng katawan mo" tuwang-tuwa na sambit ni mama.

Malungkot na tumingin naman ako sa aking lola na natatawang nakatingin lang sa amin.

"Lola pigilan mo si mama, baka itong kasuotan na ito ang dahilan ng pagkamatay ko" pagpapaawa ko.

Natawa lang ang aking lola at tumayo sa kamang kinauupuan nya para lapitan kami.

"Napakaganda mo talaga apo, di na ako magtataka kung maraming lobo ang iibig sayo" nakangiting titig ni lola sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko.

"Syempre naman mamá kanino pa ba magmamana ang anak ko kundi sa akin lang" pagmamalaki ni mama na tinawanan lang namin ni Lola

"Kung ano-ano na namang iniisip mo mama" natatawang asar ko.

"Oo nga anak, nagugutom ka na naman yata" asar din ni lola kay mama na ngayon ay nakanguso na.

"Pinagkakaisahan nyo na naman ako" nagtatampong ani mama. "Eh kanino naman magmamana si Akeldama kung hindi sa akin aber?" Nakapameywang na tanong ni mama.

"Syempre sa akin" nakangising sabi ni papa na kapapasok lang sa loob ng bahay kasama si Cali.

"Tumigil ka nga Jasper, sa akin nagmana ang mga anak natin dahil maganda ang mukha ko" pagtataray ni mama na ikinatawa naming lahat.

Niyakap ni papa mula sa likod si mama at sinimulang haplusin ang malaking umbok sa t'yan ni nito.

"Mainit na naman ang ulo ng buntis, sige panalo kana" paglalambing ni papa kay mama.

"Mamaya na yang lambingan nyo papa, nandito pa kami ni akeldama oh" nakangiwing ani Cali.

"Bakit? Dalawamput apat na taong gulang naman na kayo, malalaki na kayo" natatawang sabi ni papa.

"Bata parin kami tsaka naiinggit si akeldama oh" asar ni Cali kaya nakatanggap sya ng isang  kurot sa tagiliran mula sa akin.

FACTION SERIES 01: The Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon