"Hey let's go nagugutom na ako!kanina pa naghihintay si Hannah" ani Dwaine..
"Wait lang kasi! Ito na"
Sabay kaming lumabas ng classroom..
"Ang tagal niyo naman!" naiinis na sabi ni Hannah..
Natawa nalang kami ni Dwaine sa kanya..
Habang kumakain kami hindi ko maiwasang mapangiti biglang nag bago ang lahat simula ng nangyari sa bahay mas naging malapit na kami ni Dwaine...
"Tulala ka nanaman jan iniisip mo ka gwapohan ko no" aniya sabay sundot sa tagiliran ko..
Hinampas ko siya pero tawa lang siya ng tawa..
"Ehem baka naman kayong dalawa ang mag katuluyan niya." ani Hannah..
Nag katinginan kami ni Dwaine uminit ang pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya..
"Kami ang maghahatid sayo Venice ha" ani Hannah..
"Palagi niyo nalang akong hinahatid baka masanay ako niyan, si Dwaine kasi sinasanay yata ako hindi na yata to aalis sa tabi ko " natatawa kong tugon...
Natahimik silang dalawa kumunot ang noo ko.
"May problema ba?" napatingin ako kay Dwaine..
"W-Wala" aniya at umiwas ng tingin...
"Bye Hannah! Bye Dwaine ingat kayong dalawa kita nalang tayo bukas ha!" masayang sabi ko..
Biglang umilap ang tingin ni Dwaine napayuko naman si Hannah..
"C-Cge na Venice aalis na kami, ingat ka lagi" mahinang tugon ni Dwaine..
Tumango ako at sinarado ang pinto ng sasakyan niya tumalikod na ako pero biglang sumigaw si Dwaine..
"Venice wait!"
"May problema ba Dwaine? May kailangan ka?"
Pumungay ang mga mata niya, nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila kaya napayakap ako sa kaniya...
Ang bango bango niya niyakap niya ako ng mahigpit...
"Sandali lang Ven gusto kolang maramdaman ang yakap mo"..
Napangiti ako at inamoy ang bango niya....
YOU ARE READING
Don't Cry
Teen FictionSeing the love of your life cringing in pain is really hurts lalo na kong wala kang magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman niya...