Hindi ako nakatulog sa kakaiyak iniisip kong panaginip lang yon pero dalawang linggo na pero wala paring nagparamdam na Dwaine at Hannah..
Tinatawagan ko sila pero hindi sinasagot..
"Anak nandito si Hannah! Hinahanap ka!" sigaw ni papa..
Kumaripas ako ng takbo nandito si Hannah i'm sure nandito si Dwaine..
Pero napahinto ako ng si Hannah lang ang nakita ko..
Walang bakas na ngiti sa mukha niya halatang galing siya sa iyak..
"Hannah! Miss na miss na kita, hindi kana nag paparamdam sa akin ha!" sabi ko at niyakap siya..
"I miss you too Ven" maikling tugon niya..
"Maupo ka" sabi ko
"Hannah are you okay?" nag aalala kong tanong..
Umiling siya tumulo ang luha niya..
"W-What happen?"
"V-Ven" humagulhol siya
Umiling siya "Hannah please anong nangyari?" nag aalala kong tanong..
"V-Ven si D-Dwaine"
"Anong nangyari Hannah? Pwede ba! Anong nangyari sa kaniya alam moba kong anong masasakit na sinabi niya sakin ha!" sigaw ko sa kaniya..
"Sumama ka sakin"
Wala na akong nagawa sumama ako sa kaniya..
Pero nagulat ako ng biglang tumigil ang sasakyan sa harap ng Hospital..
"Anong gagawin natin dito? " naguguluhan kong tanong..
"Nasa loob siya Ven hinihintay ka"kumonot ang noo ko sa sinabi niya..
Pagka pasok namin sa loob ang lakas ng tibok ng puso ko kinakabahan ako..
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko..
Pag bukas niya ng pinto.. Tumigil ang mundo ko hindi lang tumigil nawasak pa...
"Ang sakit shit! Ang sakit sakit Venice" sigaw ni Dwaine, habang hawak hawak ang ulo niya napahawak ako sa bibig ko nanlabo ang mga mata ko sa luhang tumutulo, kahit nasasaktan na siya pangalan ko parin ang tinatawag niya.. Kahit hindi niya ako nakikita sa tabi niya ako parin ang tinatawag niya..
Ito ba ang dahilan ng sinabi niya sa akin na 'Hindi siya hihingi ng tawad dahil para sakin din yon' ayaw niya akong masaktan..
Umiling ako habang umiiyak..
Pag pasok ng doctor napaatras kami ni Hannah..
"I'm sorry Ven"
"Hannah? Anong nangyayari? Panaginip ba to? Dahil ang sakit sakit na ng dibdib ko"
Umiling siya..
Paglabas ng doctor pumasok agad ako,mahimbing na siyang natutulog..
Tinignan ko ng mabuti ang mukha niya, pumayat siya wala na siyang buhok at kitang kita sa mukha niya ang pagod at hirap,,umiling ako..
Nagulat ako ng bigla akong yakapin ng may edad ng babae..
"I'm sorry ikaw ba si Venice? Palagi ka niyang hinahanap pero ayaw niyang sabihin ni Hannah sayo"
Tahimik akong umiiyak ang sikip sikip ng dibdib ko..
"Venice si Tita, Mama ni Dwaine" ani Hannah..
"May Brain Cancer siya Venice,, matagal na ayaw niya lang sabihin sayo dahil natatakot siya ayaw ka niyang masaktan Venice dahil mahal ka niya."
Napaluhod ako 'May Brain Cancer siya Venice' ang sakit sobra habang naghihirap siya wala ako sa tabi niya dahil ayaw niyang malaman ko para hindi na ako masaktan...
"Ng ginabi ka sa paghihintay sa kaniya sa soccer field tumawag ang papa mo non dahil hindi kapa umuuwi nagwala si Dwaine dahil kailangan ka niyang hanapin wala kaming nagawa Venice,, ng bumalik na siya pag dating niya sa hospital bigla siyang natumba sabi ng doctor humihina na siya hindi na kaya ng katawan niya.."
Napahagulhol ako,,ako parin ang iniisip niya, ako parin ang inuuna niya kahit hirap na hirap na siya...
YOU ARE READING
Don't Cry
Teen FictionSeing the love of your life cringing in pain is really hurts lalo na kong wala kang magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman niya...