Prologue

95 6 8
                                    

This is the problem in our generation right now.

Everytime people hear stories that are somehow fairytale-like or Nicholas Sparks-ish, they would say,

"Hay nako, sa wattpad lang 'yan!"

"Sa fiction lang may forever!"

"Magbe-break din kayo!"

"Love? Nakakain ba 'yan?"

"Wala, wala talagang forever!"

In short, punong puno ng bitterness.

God. Akalain mong sa sobrang pagka-bitter ng mga tao ngayon, umabot na ng libo-libong likes at comments sa facebook ang mga confessions na tungkol sa panloloko, break-ups, at pagiging hopeless case ng forever alone (Ano po ito, self-pity party?) Muntik na ring palitan ng Pusong Bato at Wrecking Ball ang Lupang Hinirang dahil sa araw-araw na pag-hugot ng mga Pilipino. Inabot na rin ng sandamakmak na bashers ang mga real-life love teams -- tipong ikakasal pa lang, pinaghihiwalay na.

Hanep! Go green generation nga talaga! Go mga kapwa ko Ampalaya!

Oo, hindi naman ako magmamalinis, aaminin kong isa rin naman ako sa mga fanatic ng heart wrecking, fantasy ruining stories. Dahil ako mismo, namanhid na sa sarili kong mga pagkabigo. Mga kapalpakan ng buhay ko.

At ayoko nang paasahin ang sarili ko sa mga masasayang kwentong hindi naman mangyayari sa akin.

Na-set ko na kasi sa utak ko na ang 'forever' at 'happy ever after', ay nasa mga libro at movies lang -- mga lugar kung saan wala naman ako.

But things happened.

Things changed.

***
(c) babaeproblems 2014

Stuck In Safe ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon