Chapter 6

84 7 8
                                    

ALDRIN

FRIDAY

Tapos na ang sem ko. Actually kahapon pa. Kaso, napag-usapan namin kagabi ni Ces na sabay na kaming babalik ng Rizal ngayon. 

Kaya nga lang, biglang sumulpot ang lakad nila ng orgmates niya. At ako, bilang isang understanding boyfriend, hinayaan ko nalang na ma-cancel (na naman) ang pag-uwi namin. Napagdesisyonan kong tumambay muna sa McDo. Tutal, alas nuebe palang naman.

Nag-order lang ako ng McFlurry at fries. Tsaka ako humanap ng uupuan sa second floor. Mabuti nalang, nagsi-uwian na yung iba kaya di na problema ang uupuan.

I tried calling Ces. Pero hindi naman siya sumasagot.

Shit lang, Aldrin James, bawas bawasan mo na ang pagiging paranoid mo.

"Sir, McFlurry and fries lang po?"

I tried calling her once more. Sabi ko kasi i-text ako eh, pero wala talaga.

Grabe. Bakit ba ako nafu-frustrate nang ganito?

"Sir," inip na sabi ng nag-serve ng pagkain.

"Bakit ba di mo nalang tignan sa receipt kung may order pa ako ah?"

There, there. I lost my temper again.

"Ay wow, kaya naman pala.." I heard her mutter.

"Alam mo," Bahagya niyang hinampas yung tray sa table ko, "hindi ko talaga alam kung totoong the customer is always right."

Oh. Sinilip ko yung supladang babaeng nag-serve ng pagkain sakin.

Suplada nga.

Bakit ba kasi laging galit sakin 'to?

At bakit nandito parin 'tong babaeng 'to?

At crew siya sa McDo? Hm. She doesn't strike me as someone who needs money that much. Mukhang mayaman naman. At mukhang di nakakagawa ng gawaing bahay. Hah. Buti nakakatagal siya sa ganitong trabaho. Ilang pinggan na kaya nabasag nito?

"Wala ka lang common sense." Oh dammit Aldrin dapat magpatalo ka na eh pero hindi lang talaga mapigilan.

"I can't believe you. Kung alam ko lang na sa'yo yung order, nilagyan ko na sana ng rat poison."

"Whoa there, miss. Hindi ba grounds yan for homicide?"

"Aish." She rolled her eyes, "Bakit ba ako nagsasayang ng oras sayo?"

I can't help but smirk. Talo naman pala 'to sakin.

Then my phone rang.

Ces? No.

Si Rick pala, tumatawag. Sinagot ko naman agad.

"Tol, san ka?"

"McDo."

"Ah oks. Sige, nasa Vega ako. Puntahan nalang kita."

(Vega - Commercial Building na kalapit lang ng Mcdo)

I dropped the call pero nakatayo pa rin pala si Erika sa harap ko.

"Oh ano, di mo na ako maiwan?" Pang-aasar ko pa. (Oh, forgive me, I'm enjoying this)

Pumikit nalang siya at pilit na ngumiti sakin. Tsaka siya umalis.

Few minutes later, dumating si Rick dala-dala ang dalawang malalaking bag niya.

"Oh, tol, bat ang dami mong dala?"

"Eh pauwi na kasi ako ngayon, family reunion namin bukas sa Ilocos e. Maaga kaming aalis. Kala ko pa naman uuwi kayo ngayon ni Ces, sasabay sana ako."

Stuck In Safe ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon