Chapter 5

33 6 2
                                    

AIKA

FRIDAY

Unfortunately, best buds pala sina Aldrin baho at Derrick.

Kanina kasi, nagyaya ng lunch si Jem. Pumayag naman ako dahil finally, tapos na ang sem ko (!!!!) matapos kong mairaos ang sandamakmak na exams ko. Akala ko naman celebration namin 'to o mala-sem ender pero ang totoo, pala ginawa lang niya akong panakip butas sa pagnanasa niyang makasabay sa lunch si Rick.

Ayun, inabangan ng loka si Rick umuwi galing klase tapos nag kunwaring papalabas palang kami ng unit.

Baliw talaga 'tong babaeng 'to.

Pero di ko na siyempre pinalampas ang moment para ma-interrogate si Rick.

"Best friends nga lang ba?" Agad na tanong sakin ni Jem pagkauwing-pagkauwi namin sa bahay.

"Tignan mo 'to, ikaw 'tong patay na patay kay Rick tapos ikaw rin 'tong may tamang duda sa kanya no?"

"Mahal ko naman kasi siya kung ano man siya." Then she winked.

"I can't believe you. Mandiri ka naman minsan sa mga sinasabi mo." Naiiling ko sabi.

"Eh bakit ba ikaw, halos patayin mo na sa imagination mo yang si.. Ano uh.. Al. Aldrin! Yun!"

Lord, alam kong masamang magtanim ng galit. Masama ring patayin sa isip ang isang tao pero... Lord. Sorry talaga. Ang bilis ko lang talagang mairita sa kanya.

"Ssssh!! Don't say bad words, okay? Alam mo, di ako naniniwala sa swerte, pero sa malas, oo! Yang ... Yang lalaking yan? Tsk. Tsk."

"Gwapo yun, friend! Mga tipo mo!"

Sinilip pala talaga kami ni Jem sa may bintana. Kaya nakita niya si Aldrin. Inabangan pa nga niyang umuwi ang loko para mas makita niya eh. Nako.

"Hoy excuse me lang ha, kelan pa ako nagkaroon ng tipo ng lalaki?"

"Bakit, into girls ka na ba ngayon?"

"Oh, shut up. Siyempre hindi noh! Ang just so you know, kasalanan lang naman ng Aldrin na yan kung bakit ako napalayas sa klase ko. At matapos kong magmagandang loob at mapurwisyo, tatawagin niya pa akong magnanakaw?? Kapal lang ha! I can't believe na si Ate Ces yung girlfriend niya. Grabee."

"Ohh, so may girlfriend si boylet? Aww. Kawawa naman pala si Rick my loves, unrequited."

"Girl, wag mo ngang gawing bromance fanfic or whatsoever yang kapitbahay natin."

Natawa naman ang loka. May toyo talaga 'to eh. "Eh baka naman kaya mainit ang dugo mo sa kanya eh dahil may girlfriend na siya."

I shot her the death glare. "Alam mo, di ko pinapangarap maging girlfriend ng isang nagger na tulad niya. Pero ang akin lang, luging lugi naman si Ate Ces sa kanya. Tsk. Marami namang iba diyan no."

"Ces? Sino bang Ces yan ha?"

"Ces.. Frances Javier."

"THE FRANCES JAVIER??!!" Hindi makapaniwala niyang sabi. "Yung SJ--"

"Yes, dearie."

"Wow, jackpot yun, tol."

"I know, right."

"Pero, in fairness, lumelevel naman yung gwaponess at hotness ni Aldrin sa kanya. Candidate for Lakan kaya yang si Aldrin!"

"Pano mo naman nalaman, ha?"

"Duh, sikat kaya siya! Kahit sa eLBi Files pa! Jusme, ikaw lang nga kilala kong hindi nanonood ng LakLak eh." (LakLak - Lakan Lakambini)

Kasalanan ko bang may trabaho ako nung gabing yun? (every night actually) 

Pero hetong si Jem kasi hindi maawat. Naalala ko na inintay niya pa talagang  makauwi ako para lang sabihin sakin yung mga nangyari. Mula sa kung sinong best bloc hanggang  sa Lakan Lakambini 2014. Pati yung nanalo sa Freshman Idol kinuwento pa. (Hah bitter Aika is bitter). Seriously, na-recite niya sakin mga nanalo isa isa.

"And so? Hindi naman prereq ng pagka-gwapo ang pagiging Lakan eh."

"Sus. Ang dami mo pang sinasabi diyan. Gwapo siya, period."

"I don't care period."

"If you say so, Aiks. If you say so."

Stuck In Safe ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon