Chapter 3

44 5 1
                                    

ALDRIN

Hindi naman talaga ako masungit sa babae. Nothing personal kay Erika. Pero sadyang mainit lang talaga ang ulo ko at may hang-over pa.

Paano ba naman hindi iinit ang ulo ko, eh kanina ko lang nalaman na nawala pala yung phone ni Ces. Akala ko kung napaano na siya kagabi kasi hindi siya sumasagot ng tawag ko. Kainis kasi ang mga balita ngayon sa LB -- rape cases. At kung may mahalagang babae kang kakilala na taga-LB malamang hindi ka talaga makakatulog nang maayos hangga't hindi ka assured na safe siya.

Kahit naman kasi nagkakaroon kami ng argument, marunong naman sumagot ng tawag si Ces.

Kaya sobra akong nag-alala kagabi kasi after naming magtalo sa may CPark, di na siya sumagot ng mga tawag ko. Ugh. Sorry for being a worried freak.

"Ces, talaga bang di ka na sasabay sakin umuwi mamaya?"

Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang CAS Annex 2 (CAS- College of Arts and Sciences) kung saan yung next class niya.

"Hindi na, Al. Napag-usapan na natin 'to kagabi di ba? May gimmick kami ng crew."

2 years na kami ni Cess. High school, 2nd year ako noong ligawan ko siya. Ahead siya sakin ng one year, sophomore na siya ngayon, Pre-VetMed. At dahil sa UPLB siya nag-aaral, ito na ang ginawa kong first choice. Tutal, balita ko 100% naman ang passing rate dito,  I'm a freshman, taking up BS Chemical Engineering, by the way.

"Edi bukas nalang tayo umuwi, antayin nalang kita."

"Two days, swimming yun sa Pansol. Nakakahiya namang umalis nang maaga. And minsan lang naman kami gumimick nang ganito. Sem ender na rin namin 'to, love. Ayoko namang isipin nilang puro ikaw at ikaw lang ang binibigyan konng oras."

"Okay."

She stopped walking.

"Sorry, I can't be with you to celebrate our anniversary tomorrow. Kung pwede lang sanang magdala ng plus one..." She looked down. "I should've cancelled this."

"I understand, Cess. Look," I touched her face, "Hindi masisira ng isang araw ang 2 years and counting natin, okay? At pang-bata nalang yung anniversary anniversary na yan. You know we're not like them, right? Hindi na tayo jeje."

She forced a laugh. Then she looked down again. "Sorry."

"It's okay, love." I smiled.

She looked at me. She bit her lower lip. Eventually, she smiled.

Napakaswerte ko na nga talaga sa babaeng 'to. Epitome ng beauty and brains. 

Sino bang hindi magkakagusto sa'yo? Maganda, matalino, mabait, maalaga... Ewan ko nalang.

"Sige, una na ako." Then, she gave me a peck on the lips.

"Sige. I love you. Ingatan mo na yang phone mo."

She waved at me as she entered the building.

***
xoxo, babaeproblems 2014

Stuck In Safe ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon