Chapter 4

40 4 3
                                    

AIKA

TUESDAY

"Badtrip. Badtrip talaga. Aarrrgh!"

"Uy, aiks! Pengeng ice cream!" She said habang hawak hawak yung kutsara.

I shot her my death glare.

"Oohh. Just kidding, fierce Sandoval." She sat down and removed her shoes. "Bakit ka ba ganyan ngayon? Mukhang mabigat ah. Isang gallon po yang tinitira mo ngayon."

Sa Erika Sandoval dictionary, isa lang naman ang ibig sabihin ng ice cream. Pangtanggal ng bad vibes. At proportional lang naman ang dami ng ice cream sa dami ng sama ng loob at bad vibes na meron ako sa katawan.

"Who wouldn't? Jusko, imbyerna ngayong araw talaga! Well, good news: Okay na ulit kami ni Sir Magno. Bad news: Yung pinaghirapan kong perfect attendance for incentive, hindi ko makukuha! Ginawa niyang absent yung last week!!!"

"Uy, gwapo yung si Sir Magno ah!" Sinubukan niyang maki-scoop, pero pinalo ko yung kamay niya.

"Seriously, dun ka pa nag-comment? Kay Sir Magno?!! Girl, pinaghirapan kong gumising. GUMISING. NANG. 6. FREAKIN'. AM. EVERY TUESDAY. AND. THURSDAY. in hopes na mape-perfect ko yung attendance ko sa kanya. Just to know na, tawag lang. TAWAG LANG HA? Ang sisira ng lahat? Stupid stupid phone."

"Wait, kalma lang, Aika." Lumapit siya ulit sakin, inagaw yung spoon ko at sinubuan ako ng isang malaking scoop ng ice cream.

"Alam mo, I trust in you and your halimaw mind na even without that incentive, eh mataas pa rin makukuha mo. Baka ma-flat uno mo pa nga. Now, now. calm down."  She tried to calm me down. Buti nalang matagal na niya akong kilala kaya alam na niya kung paano ako pakalmahin.

"Pero... Kung alam ko lang di ba? Sana pala minaximize ko nalang absences ko."

"Aikaa."

"Okay, I get it." Sumubo ulit ako ng ice cream. "I think it's better na i-perfect ko nalang yung pre-fi namin."

"Yan! Yan ang attitude! Grabe, bakit hindi ka ganyan noong high school?" Tumayo na siya para pumunta sa kwarto.

"Shut up." Hindi kasi ako pumasok sa honor roll. Almost lang. Pang-16 ako. Aray ko. Almost is never enough nga naman.

"Jem.."

"Yes?"

"Binilhan din kita, nasa ref."

"Yay! I knew it!"

***

Masaya naman sigurong mag-aral ng POSCI1 kung mahilig kang magbasa ng tambak na readings.

Politucal Dynasties, Marcos, Military, Church, Media, Women in Politics...

Kailangan ko nang tapusin 'tong readings na 'to. Mamaya kasing 9, pupunta na akong McDo.

Ang kaso.

HEY, GIRL, YOU KNOW YOU DRIVE ME CRAZY
ONE LOOK PUTS THE RHTYHM IN MY HAND
STILL I'LL NEVER UNDERSTAND WHY YOU HANG AROUND
I SEE WHAT'S GOING DOWN

PANO KA MAKAKAPAGFOCUS KUNG GANITO???!

COVER UP WITH MAKEUP IN THE MIRROR
TELL YOURSELF, IT'S NEVER GONNA HAPPEN AGAIN
YOU CRY ALONE AND THEN HE SWEARS HE LOVES YOU

"Argh. Saan ba galing yang ingay na yan??"

"Hoy, Aika, wag ka ngang galit sa mundo! Gwapo naman boses ah." Binato niya pa akong unan.

"Gwapo. Gwapo. Lagi ka nalang mukhang gwapo. Alam mo, hindi ko kailangan ng concert ng TRJA ngayon, okay? HELL WEEK NGAYON. Be considerate naman sana sa mga tulad kong--"

"Tulad mong GC. Tsk. Kina Rick yata galing yang ingay eh."

"Ohh. Talaga, edi pumunta ka dun kay Rick. Kausapin mo. Da moves na." I teased her.

Si Derrick, kapitbahay namin. DevCom din siya gaya ko at blocmate ko rin. Very boy-next-door ang dating ni Rick at sobrang type ni Jem. Seryoso, kulang nalang sumigaw siya ng 'dibs' nung moment na makasabay namin siya pababa ng floor noong campus tour. You see, ultimate crush na ni Jem si Rick since day one. Ang kaso... Alam niyo na, mahirap makasigurado kung lalaki nga ba ang mga lalaki sa DevCom.

"Eh, nahihiya ako."

"Wow, ikaw? Jemimah, marunong mahiya? I can't believe napagsama ang Jemimah at hiya sa isang sentence." She, again, threw a pillow at me. "Hey ang dami mo namang unan!"

"Ehhh. Bad hair day ako ngayon. Ikaw na kumausap. Sisilipin ko nalang kayo sa bintana." She grinned.

"Creepy Jem is creepy."

Tinulak tulak niya pa ako palabas ng bahay. Paglabas ko, nilock niya agad ang pinto. Argh. Things I'll do for acads nga naman.

Katok katok.

FACE DOWN IN THE DIRT,
SHE SAID, "THIS DOESN'T HURT",
SHE SAID, "I FINALLY HAD ENOUGH."

ONE DAY
SHE WILL
TELL YOU
THAT SHE HAS HAD ENOUUUUGHH

Katok katok.

Sa pagkakatanda ko, solo lang ni Rick yung unit kasi rich kid siya at yeah, rich kid siya. At hindi ganyan ang boses niya.

"Rick! Derrick!!"

He opened the door. Good.

"Rick!"

Lumabas si Rick na may dalang gitara. Mukhang nagulat sakin kasi first time ko lang pumunta dito sa apartment niya. "Aika. Bakit ka nandito?"

"Uhm. Ano kasi... Alam mo namang medyo badshot ako kay Sir Magno di ba? Uh, pwedeng favor? Pwedeng pakihinaan or better, mamaya nalang muna ka na mag--"

"Brad, tara na hoy--" I saw someone behind Rick. May kasama siyang.. Guy. May kasama siyang guy. what.

WAIT.

"IKAW? Hoy bakit-- BAKIT KA NANDITO HOY!" Jusko. Kumukulo na naman dugo ko. Jusko. Bakit nandito 'to???? Akala ko ba bawal pets sa apartment namin!!!!

"Aldrin," he extended his hand as if makakalimutan ko ang pangalan ng hinayupak na 'to, "I know hindi maganda y--"

"Hah. Wag ka ngang ano diyan! Bwiset to. Naninira ng araw ko."

Hindi ko na inintay pang magsalita ang isa sa kanila at kusa ko nang sinara ang pinto ng unit niya.

Why. Is. That. Monster. In. His. Apartment?!!

Stuck In Safe ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon