Chapter 8

19 3 1
                                    

A/N: Hi, MsStoryMaker! :)

JANUARY

AIKA

EH KUNG MINAMALAS KA NGA NAMAN OH

Masaya na sana ako. Complete units kasi ako this sem. Maraming maraming salamat, OUR at Systemone. (OUR- Office ; Systemone- online portal kung saan makikita ang grades, initial sched at etc ng mga estudyante)

That means, kumpleto ang binigay sa aking subjects, at hindi ko na kailangang makipag-agawan ng slots or mag-prerog. Well, ganito kasi sa UP e. Kulang sa facilities at professors. Kulang din tuloy ang slots sa bawat klase. Thus, swertihan nalang talaga kung makukumpleto mo subjects mo sa isang sem. Pero kung gusto mong ipaglaban, uso ang makipag-agawan at mangulit ng prof (prerog).

Pero nung makita ko yung klaseng enlisted ako, para akong namutla, di makahinga at nasiraan ng bait.

Flash report:
Good news: Complete subjects this sem including PE class
Bad news: I am enlisted in a wrong PE class.
Worse news: Na-finalize ko na ang initial sched bago ko marealize na ayoko pala ng PE ko.

Sa limang PE 2 courses na kinuha ko, bakit heto pa? Pwede namang Walking for Fitness, o kaya Laughter Yoga, or Philippine games. Pero hindi e. HINDI.

Heto na nga yata ang malas. Ako na nga yata.

Kasama ko si Rick sa apartment nung binuksan ko ang systemone account ko. Di pa kasi bumabalik dito sa LB si Gem. Kaya pinatambay ko muna si Rick dito sa bahay. Hey, he looks harmless to me.

"Whaaat?!!" Napasigaw kong sabi habang tinitignan ang aking initial sched. "Oh my God no!!!"

Mabilis na sumilip si Rick sa screen ng laptop ko. "Wow. Complete units ka! Galing mo ha."

Pakiramdam ko namutla ang mukha ko dahil sa nakita ko. "I shouldve cancelled this subject. Ayoko. Ayoko nito."

"Ano bang ayaw mo?"

I pointed at the screen. "PE 2."

"What the... Badminton ba yan?"

"That's what I thought. Pero hindi." I said, almost crying.

He looked closely. Mukhang kinakabahan na rin siya sa PE na nakuha ko. "Bakit ba? May sakit ka ba? Masyado bang nakakapagod.. What the.." He forced to stop himself from laughing. "Belly dancing??!" And he couldn't hold it any longer, he laughed. Oh wait no, he did not laugh, he cachinnated.

But seriously. Me? Belly dancing? Que horror.

"Di na pala tayo super classmates. Sa major nalang at Econ 11. Belly dancing pa more."

"Anong PE mo? Lilipat ako dun."

And then he started laughing again. "Ay di ko sasabihin."

"Ehh. Basta. Ica-cancel ko talaga 'to."

"Well, good luck on that. Pero naiimagine na nga kita ngayon. Oh, epic."

"What the.." I threw him my pillow. Badtrip. "Uggh.."

TUESDAY

First day of classes at first subject. Excited akong pumuntang Baker Hall kung saan nagaganap ang ilan sa mga PE 2 courses. No, hindi nagbago ang feelings ko for Belly dancing. Excited lang akong ma-meet yung prof ko para sabihing magka-cancel ako.

Lahat kami babae sa klase. Not being sexist pero karamihan ng lalaki, nagcancel na sa systemone palang.

15 na kaming nandito. Puro upperclassmen (women), kaya di ko mga kilala. Ugh, ang gaganda din nila. Why why am I here?

"Good morning, class." Sabi ng... Wow. Siya? Siya magtuturo?

Okay, wag mo siyang i-judge, Aika.

Pero seriously?

Ang laking babae kasi ng instructor namin. I mean, malaki talaga.

Okay, hindi ko siya jina-judge, but... Belly dancing?

"May magka-cancel pa ba sa klaseng ito?"

I was about to stand up when someone came and...

"Ma'am, sorry I'm late."

Si... Ate Cess?

She looked around. I bet the whole class was stunned by her. Then she smiled at me.

And seated right next to me.

"Nice to see you here, Aika." She whispered. "Akala ko wala akong kakilala sa class na ito. Good thing you're here."

Oh, this is not good.

Now I'm forced to stay in class. Wow. Great. Just great.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stuck In Safe ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon