Chapter 1 - #Meeting Them

712 14 6
                                    

Kristel's POV

   Waahh! Palapit nang palapit yung mukha ni Ahn jae hyun. Waahh! Hahalikan na niya ako. Palapit nang palapit yung mukha niya s....

''HUY KRISTEL GISING NA!'' Aishh! Kainis naman oh!

''Eh, pagod pa ako.'' Sabi ko at kinuha ang kumot sabay tabon sa mukha ko

"Ah! Di ka talaga gigising hah!'' sabi niya #1

~After 30 seconds~

*WOOOSHH!*

''Waahhhh! Ano ba problema mo, bat mo ko binuhusan ng malamig na tubig!'' eh pano ba naman binuhusan ako ng tubig at TAKE NOTE: MALAMIG NA TUBIG PO!

At biglang may pumasok...

"Oh, bat ang basa mo?'' tanong niya #2

"Eh pano binuhusan ako ng MALAMIG na tubig'' sabi ko at inemphasize ko talaga ang salitang MALAMIG

''Oh, bat mo kasi siya binuhusan?'' sabi niya #2

"Eh, ang tagal gumising ayan binuhusan ko na! At tingnan mo nga ang oras?'' sabi niya #1 at tiningnan ang oras.

6:30 pa lang-------WHAT? 6:30 nah?

''Ano? 6:30 nah? Bat hindi mo ako ginising?'' sabi ko

"Anong hindi ginising kanina pa kaya kita ginigising.'' Sabi niya #1

"O, sya sya, maligo ka na at ikaw kumain ka nah.'' Sabi niya #2

At ayun nga, naligo na ako. Ay kanina pa ako, daldal ng daldal hindi pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si Kristel Angelique Dizon. 16 years old. 4th year high school. Tennis player ako dati. Bakit? Malalaman niyo rin. Yung si niya #1, kuya ko yun si Marc Angelo Dizon. 4th year college student. Law ang kinuha niya, di ko nga alam ko bakit niya kinuha yung kursong yun eh mas hamak mas madali lang naman yung pagiging isang dentist, mahilig kasi yun sa mga ngipin. May braces pa nga siya. Ay, ako rin may braces ako. At yang si kuya kahit may braces, heartthrob yan sa school, pero isa lang ang nagpapatibok ng puso ng kumag na yun. Si ate Newa yun. Crush niya yun noong highschool pa sila hanggang nagcollege sila at ayun nanligaw si kuya Marc at sinagot rin ni ate Newa. 5 months na nga sila eh. At si niya #2 ay si ate Erika Angela Dizon-Monte. Siya ang panganay sa aming 4. 4 kasi kaming magkakapatid. Si Ate Eka, Kuya Marc at kami ng kakambal ko pero mamaya nating pag-usapan yung kamabal ko kay ate Eka muna tayo. At yun nga, may asawa na siya yun ay si kuya Edward John Monte.Doctor nga siya eh. Swerte nga si ate kay kuya Edward eh, kasi ang pamilya nila kuya Edward ay may-ari ng mga sikat na hotels, hospitals at malls dito. May anak na rin sila, yun ay si Alessandro Gabriel Monte. As I was saying, may kambal ako yun ay si Krystal Angeli Dizon. Mas nauna lang siya kaysa sa akin kaya yun. 1 second lang nga ang separate time namin eh. Di ko nga alam kung bakit hindi nalang kami sabay lumabas. Volleyball player naman siya.  Yung mama ko naman andun sa Korea, she is managing our business there at kasama rin niya dun si Tal. Yun kasi ang tawag ko kay Krystal at Tel naman ang tawag niya sa akin. About sa papa ko? Huwag nalang muna nating pag-usapan yan kasi parang hindi pa ako handa sasabihin yun.

''Huy Tel, dali na!'' sigaw ni kuya Gelo

"OO na!'' sigaw ko rin

At ayun nga sumakay na kami sa aming sosyal na sasakyan na TRICYCLE de joke lang! I mean Land Cruiser kasi yung sasakyan naming kaya sosyal.

~After 10 minutes~

Lumabas na ako kasi nandito na ako sa school ko.

"Huy Tel, magpakabait ka hah!'' sabi ni kuya Gelo at ginulo pa ang buhok ko.

"KUYA NAMAN EH!'' sigaw ko eh pano ginulo niya yung hairstyle ko!

"Tsk, pahug nga baby!'' sabi niya

#Love WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon